Lover boy, kritikal sa saksak

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang tricycle driver na kilalang ‘lover boy’ makaraang pagsasaksakin ng ‘di pa kilalang salarin matapos ihatid ng una ang kanyang girlfriend sa pinapasukang videoke bar kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Inoobserbahan ngayon sa East Avenue Medical Center, Quezon City sanhi ng tama ng saksak sa dibdib at tiyan ang biktimang si Ronald Aguinaldo, 32, binata, ng Phase 9, Package 5, Blk. 45, Lot 20, Bagong Silang, Caloocan City.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng Caloocan police para sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng JJ Videoke Bar sa Tala, Caloocan City.

Ayon sa girlfriend ng biktimang si Mary Grace Pajes, 23, dalaga, GRO ng JJ Videoke Bar, paghatid sa kanya ni Aguinaldo ay bumaba pa ito para umihi subalit bigla na lamang sumulpot ang suspek na armado ng patalim.

Dito, walang sabi-sabing sinaksak ang biktima saka tumakas habang humingi naman ng tulong si Pajes upang dalhin sa Tala Hospital ang nobyo, subalit inilipat rin ito sa EAMC sanhi ng matinding sugat na tinamo.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa insidente kung saan kilalang ‘lover boy’ sa kanilang lugar ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.