Lovelife ni Piolo Pascual, ibinuking ni Bea Alonzo!

MASAYANG DUMALO SI KC Concepcion sa ginanap na 7th TAYO or Ten Accomplished Youth Organization Awards sa Renaissance Hotel, Makati noong Miyerkules nang umaga. Ang naturang event ay isa sa mga advocacy na sinusuportahan ni Senator Kiko Pangilinan at si KC na mismo ang nagsabi sa amin na tatlong taon na rin siyang naging bahagi ng naturang proyekto.

Three years ago ay napiling judge si KC ng mga youth organizations na napili. Ang mga organizations na ito ay pinamumunuan ng mga kabataan na gumagawa ng public service nang walang hinihinging kapalit. Ang mga ito ay nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Ngayong taon, ilan sa mga napiling hurado ay ang Belo Essentials President Cristalle Belo Henares, na anak ni Dra. Vicki Belo at ang TV host na si Boy Abunda.

Ikinuwento pa sa amin ni Cristalle na napakahirap pumili sa dalawampung grupong finalists dahil ayon na rin sa kanya, “Lahat sila, actually, ay deserving na manalo. Lahat sila may magandang ginagawa para sa ating bayan. Kaya napakahirap talagang pumili.”

Ngayong taon naman, si KC ang nag-announce ng mga winners. “Sobrang astig talaga ng mga kabataan ngayon kaya I’m very very happy to be a part of this project,” banggit ni KC.

Bukod sa TAYO awards, masaya rin si KC sa kanyang teleserye na Lovers in Paris. Consistent na mataas ang ratings ng Lovers in Paris sa Nationwide Ratings na pumapalo pa sa 33%  lalo na sa isang episode kung saan napalaban ng sampalan at sabunutan si KC sa kontrabidang si Assunta.

“Grabe talaga ‘yung sampalan scene namin ni Eunice (Assunta). Ibang klase talaga. Talagang sobra ‘yung ginawa namin doon, pero siyempre nandoon ang lahat ng artista, sina Piolo at si Tito Christopher, so siyempre, kailangan talagang galingan. Nakaka-pressure,” aniya.

Marami ang napabilib at naloka sa eksenang iyon pero tuwang-tuwa naman si KC sa kinalabasan nito.

Hoping din si KC na anytime soon ay mapag-usapan na ang supposed film project nila ni Piolo Pascual. Matutuloy pa ba ito? “In God’s time, and I think it’s gonna happen sooner than we think. It’s gonna be fun.”

Tinanong din namin si KC at hiningi ang reaksiyon nito sa naging pahayag at tuksuhan nila Bea at Piolo sa ASAP noong isang linggo kung saan ibinuking ni Bea na may lovelife na si Piolo. Si KC ba ang tinutukoy rito?

“Alam n’yo, tingnan na lang natin pagkatapos ng Lovers in Paris. Kung ano ‘yung makikita nila, ‘yun na ‘yun,” pagtatapos ng dalaga.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.