Love triangle, pumatay ng 2; paslit sugatan sa pamamaril

MALAGIM ANG SINAPIT ng isang paslit na kabilang sa nasawi bunsod ng pamamaril ng grupo ng kalalakihan sa bayan ng Lamitan sa Basilan noong Miyerkules.
Sa ulat na nakara-ting sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Jester John Magno, 5 anyos at isang Leo Antonio.
Sugatan naman ang 10 taong gulang na si Jonel Cuevas nang tamaan ng ligaw na bala.
Ayon kay Lamitan Police head, Chief Insp. Maldan Mukaram, bumibili sa tindahan sa Riverside sa Barangay Matibay sa naturang bayan si Antonio nang pagbabarilin ng dalawang lalaki lulan ng motorsiklo.
Nadamay sa pamamaril ang mga bata na naglalaro malapit sa tindahan.
Sinasabing love triangle ang isa sa  mga motibong sinisilip sa krimen.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.