Love Life ni P-Noy, ‘Wag Nang Pakialaman

TAMA RIN NAMAN, huwag na nating pakialaman ang love life ni Noynoy.

Sa edad na 51, hindi na dapat pagkaitan ng pag-ibig ang mahal na Pangulo na naniningalang pugad kay Liz Uy na edad 27.

Lolo man, may karapatan ding humanap ng kalinga mula sa kanyang apo!

REKLAMO NANG REKLAMO ang mga bus operators na sobrang taas daw ng presyo ng krudo kaya marami sa kanila ang maliit na lamang ang kinikita sa araw-araw na pasada.

Kung namamahalan pala kayo sa krudo, bakit basta n’yo na lamang itinatapon sa Edsa?

Lagot kayo ngayon, ubos na krudo n’yo, tatanggalan pa kayo ng inyong prangkisa!

HUMIHINA NA RIN si Pacquiao.

Kahit nanalo siya kay Margarito, hindi maipagkakaila na matinding tama rin ang inabot niya.

Hindi na niya napabagsak si Margarito dahil iniinda na rin niya ang mga tama niya sa kanyang bodega.

Manny, retire while still champion.

NAKAPAGTATAKANG KARAMIHAN SA mga department store ay nagsipagtaas na ng parking fee.

Dahil panahon ng gift-giving, sinamantala na ng mga mall giants na puwersahang kunin ang kanilang limang pisong regalo mula sa kanilang mga customers.

Okey lang yan Henry Sy, John Gokongwei at Ginoong Ayala.

Gusto naming mga customers, happy kayo!

UNTI-UNTI NANG NALALAGAS sa merkado ang Figaro coffee shop.

Marami na silang branches na nagsara dahil sa hindi pagkakasundo ng mga magkakasosyo.

Matapos magsara ang dalawang branch ng Figaro sa NAIA 3, sumunod ang Rockwell outlet nila.

Ang huling balita natin, ang Figaro sa Sgt. Esguerra na malapit sa ABS-CBN ay magsasara na rin.

Bad news ‘yan para sa mga empleyado.

Pulandit
Allan Encarnacion
allanpunglo@yahoo.com

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.