Love Compatibility: Shaina at Jason – Kambal sa Puso!

Real name: Shaina Garcia Magdayao
Screen name: Shaina Magdayao
Birthday: November 6, 1989
Zodiac sign: Scorpio
Element: Water
Key Planet: Pluto
Greatest Strength: Passion about feelings
Possible Weakness: The need for secrecy can be isolating

Real Name: Jason Abalos
Screen Name: Jason Abalos
Birthday: January 14, 1986
Zodiac sign: Capricorn
Element: Earth
Key Planet: Saturn
Greatest Strength: Ability to overcome obstacles
Possible Weakness: Too uch work and not enough play

MINSAN NANG NASABI ni Shaina na hindi naman kailangang maging kapareha nila sa tunay na buhay ang kanilang ka-love team. Marahil ay tama siya dahil karamihan ng ginagawa ng mga artista ngayon, nagpapares-pares sila hindi lamang sa pelikula/telebisyon kundi maging sa tunay na buhay upang pag-usapan ang kanilang mga proyekto.

Pero kung tutuusin, hindi naman siguro masama ang ideyang iyon lalo na kung totoo namang nagmamahalan ang dalawa, ‘di ba? Tutal, nasa ganitong usapan naman tayo, bakit hindi natin paglaruan ang ideya ng pagsasama ng dalawang Kapamilya stars na sina Shaina Magdayao at Jason Abalos kung saka-sakaling sila ang magkatuluyan sa tunay na buhay. Of course, hindi naman sinasabing silang dalawa talaga dahil alam naman nating committed na ang 19-anyos na dalaga kay John Prats sa totoong buhay. Kahit sabihin nating single itong si Jason at libreng-libre, no-go pa rin siya at taken na si Shaina. Paglaruan na lang natin sila sa ating imahinasyon, tutal magka-love team naman sila sa pinakabagong teleserye sa hapon, ang Kambal sa Uma.

Ang sabi sa ating mga bituin, si Jason ay isang Capricorn dahil ipinanganak siya noong Enero 14, samantalang si Shaina ay isang Scorpion na ipinanganak noong Nobyembre 6. Ang sabi, ang isang Scorpio at ang isang Capricorn ang may pinakamagandang tiyansa upang higit pang lumalim ang pagkakaibigan. Komporatble at panatag ang kalooban ni Capricorn sa pagiging tapat at wagas na pag-ibig ng babaeng Scorpio. Dahil sa kanyang katapatan, ibibigay naman ni lalaki ang buo niyang debosyon, loyalidad at sinseridad sa kanilang pagsasama. Susuportahan nila ang isa’t isa at magkakaunawaan sila nang husto.

Magiging maganda rin ang kanilang pagsasama kapag seksuwal na relasyon ang pag-uusapan. Si Scorpio ay may malawak na imahinasyon at hindi siya bibiguin ni Capricorn dahil sa tindi ng kanyang resistensiya sa kama. Passionate si Scorpio sa kanyang nararamdaman kaya naman walang dapat ipag-alala itong si Capricorn.

Ang husay at galing kuno ng dalawa sa ibabaw ng kama ang magbibigay katatagan sa kanilang pagsasama. Pareho silang passionate at kapag sila ay ikinasal, magiging maganda ang kanilang buhay-mag-asawa.

Hayun naman pala, eh. Compatible pala ang dalawa. At ang matindi pa riyan, mukhang magiging maligaya rin daw sila sa kanilang sexual relationship. Hmm… mukhang may kakaibang kinang ang ating dalawang Kapamilya, ah. Abangan na lang natin kung totoo nga ang sinasabi ng ating mga stars sa susunod na mga buwan!

by Jerome Caraballa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.