Love Compatibility: Sam Milby and Angel Locsin – Only One… Only Two of Them!

Screen name: Angel Locsin

Real name: Angelica Colmenares

Birthday: April 23, 1985

Zodiac Sign: Taurus

Element: Earth

Second House: Possessions

Key Planet: Venus

Taurus Greatest Strength: Your sensible outlook on life

Taurus Possible Weakness: Accepting less than you can achieve

Screen name: Sam Milby

Real name: Samuel Lloyd Lacia Milby

Birthday: May 23, 1984

Zodiac Sign: Leo

Element: Fire

Fifth House: Children

Key Planet: Sun

Leo Greatest Strength: Your playful and loving nature

Leo Possible Weakness: Need for approval can become too important

SINO’NG MAG-AAKALA NA ang dalawa sa pinakamalaking pangalan sa bakuran ng ABS-CBN ay magsasama sa isang maganda at kakatuwang istorya ng Only You, na isang Koreanovela remake? Siyempre, ina-anticipate ng maraming tao ang cute at nakakikilig na pagsasama ng ating anghel at former Pinoy Big Brother housemate. Kahit kasisimula pa lang ng kanilang teleserye, mukhang patok na patok naman ang chemistry nina Jillian (Angel) at TJ (Sam) sa madlang people. Pero sabi nga nila, what looks good on TV, does not mean it looks good in real life. Hmm… totoo kaya ito? Kaya naman, heto na naman tayo at nagtatanong-tanong sa mga bituin kahit makulimlim ang panahon kung bagay nga ang dalawang hitad! Alamin natin ang kanilang love compatibility.

Si Angel ay isang Taurus samantalang si Sam ay isang Leo. Sabi ng kanilang stars: ang dalawang taong ito ay may stable na zodiac signs. Ibig sabihin, pareho silang matatag at hindi natitinag sa kanilang mga desisyon kaya naman minsan, umaabot na ito sa katigasan ng kanilang ulo. Lalo na kapag ang usapin ay may kinalaman sa romansa, hindi papadaig ang bawat isa. Katulad na lamang ng Leo na madalas isipin na kinakailangan niyang manguna sa ibabaw ng kama. Kahit na matigas ang mukha, mas pasensiyoso naman ang Taurus, pero kung kinakailangan niyang ipaglaban ang kanyang sarili para makuha ang gusto, gagawin niya ang kinakailangan upang makamtan ito.

Matipid si Taurus at minsan ay nagagalit siya kay Leo dahil gastador ito. Maingat at tahimik si Taurus samantalang maingay at ekstrabagante itong si Leo. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may matinding koneksiyon ang dalawa at attracted sila sa isa’t isa, physically at emotionally, kahit na marami silang problemang kailangang lagpasan.

Sa pag-ibig, flexible ang kanilang pagsasama dahil kaya naman nilang makipagkompromiso sa bawat isa. Iyon nga lang, kakailangananin nila ng matinding dedikasyon lalo na sa parte ng Leo, dahil lagi siyang center of attention, upang maging matagumpay ang kanilang pagsasama.

Sa kabuuan, maganda naman ang kanilang magiging pagsasama. Pero mukhang itong si Sam, na isang Leo, ay magiging pasaway sa kanilang dalawa. Matakaw raw siya sa atensiyon at ang gusto ay laging nasa sentro ng lahat ng aksiyon! Hmm… pero ‘wag mag-alala mga friends, hindi patatalo itong si Angel at mukhang siya lang ang makapagpapatino sa nakawalang leon na ito, dahil isa siyang torong mabangis! Hehehe!

by Jerome Caraballa

loading...

6 thoughts on “Love Compatibility: Sam Milby and Angel Locsin – Only One… Only Two of Them!

  1. correction lang po mr. caraballa, hindi leo ang zodiac sign ni sam kundi gemini. baka pwedeng paki-check ulit yung compatibility nila and tell us what you think, kase sa totoo lang sila ang gusto kong magkatuluyan!!!

    thank you.

  2. only you sobrang ganda…..everytime you watch it, you want more and more and more…..ganyan kaganda…

  3. di ako makapaniwala ang gwapo pla ni sam milby sa personal. kasi sa tv hindi masyado e.

    pero no doubt ke angel. for me, napaganda nya at napaka amo ng mukha. mukha din xang mabait.

Leave a Reply

Your email address will not be published.