Love Compatibility: Melissa Ricks and Matt Evans – Kambal sa Puso!


Screen Name: Matt Evans
Real Name: Matthew Nicolas Evans
Birthdate: October 22, 1986
Zodiac: Libra
Lucky Stone: Opal
Main positive traits: Romantic, cooperative, gracious, sociable, tactful, diplomatic.
Main negative traits: Fickle, dependent, indecisive, sulking, Peace at any cost.

Screen Name: Melissa Ricks
Real Name: Melissa Marie Ricks
Birthdate: January 9, 1990
Zodiac: Capricorn
Lucky Stone: Garnet
Main positive traits: Ambitious, hard working, responsible, practical, perserverance, self-discipline.
Main negative traits: Stubborn, overbearing, unforgiving, inhibited, fatalistic, condescending.

KUNG MAYROON MANG professional love team, aba’y ang tambalan nila Matt Evans at Melissa Ricks ang isa sa pinakamagandang ehemplo na ating maiisip. Akalain mo bang halos tatlong taon na silang magkapareha pero matigas ang dalawa sa pagde-deny na walang namumuong pagmamahalan sa kanila. Sweet naman sila sa isa’t isa kahit off-screen, napaka-galante pa nitong si Matt at sobrang thoughtful. Samantalang si Melissa, isang mabait na dalaga at hindi natin maipagkakaila na sobrang close sila. Aba, aba, aba, something’s fishy, ‘ika nga. Baka naman meron at ayaw lang nilang umamin, hmmm. Ano ba talaga ang real deal sa inyong dalawa, ate at kuya?

Pero kung ating i-a-assume na mayroon ngang namamagitan sa kanila, magiging matagumpay kaya ang kanilang relasyon sa bawat isa? Hindi naman siguro masama ang mangarap lalo na sa mga fans ng Matt-Melissa loveteam. Ano kaya ang masasabi ng mga stars sa langit sa kahihinatnan ng dalawang ito? Tingnan natin…

Si Matt ay ipinanganak noong Oktubre 22, 1986 at napapasailalim siya sa zodiac na Libra. Si Melissa naman ay noong Enero 9, 1990 at Capricorn ang kanyang simbolo.

Ayon sa ating love compatibility chart, ang Libra at ang Capricorn ay magkaiba ngunit magkapareho. Malabo ba? Ang ibig sabihin lang nito, dapat pareho silang mag-adjust sa kanilang lifestyle upang matugunan nila ang pangangailangan ng bawat isa.

Si Libra kasi ay isang extrovert, o pala-labas na tao. Mahilig daw siyang makisalamuha at madali siyang ma-bore kapag hindi niya nakakausap ang ibang tao. Sa kabilang banda, ang Capricorn ay isang seryosong tao na pinahahalagahan ang career at lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

Pero ito ang nakakaloka, alam n’yo ba na may lihim na pagnanasa daw ang Capricorn kay Libra? Hindi lang natin alam kung gaano ito katotoo, pero dahil daw siguro ito sa malakas na atraksiyon ni lalaki sa mga babae. Ang gusto ni Libra naman kay Capricorn ay ang pagiging seryoso nito sa trabaho. Minsan, maiirita rito si babae pero sa kabuuan, matatagumpayan nila ang kanilang mga problema kung pag-uusapan lamang nila.

Sa lagay ngayon, mukha namang satisfied ang dalawa sa takbo ng kanilang pagsasama. Kahit na wala silang commitment sa isa’t isa, smooth-sailing naman ang kanilang relasyon. Sa katunayan, still going strong pa nga ito, eh. Iyon nga lang, kung babagal-bagal itong si Pedro Penduko, baka maunahan pa siya ng ibang tao riyan, partikular na ang isang mailap at madulas na Palos! Heheheh!

by Jerome Caraballa

loading...

2 thoughts on “Love Compatibility: Melissa Ricks and Matt Evans – Kambal sa Puso!

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #51

Leave a Reply

Your email address will not be published.