Love Compatibility: Kim Chiu and Gerald Anderson – Sila na ba talagang dalawa?

Real Name: Kimberly Sue Yap Chiu

Screen Name: Kim Chiu

Birthday: April 19, 1990

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Strengths: Adventurous, Energetic, Courageous, Confident

Weaknesses: Self-centered, Short-tempered, Impulsive, Impatient

Real Name: Gerald Randolph Anderson, Jr.

Screen Name: Gerald Anderson

Birthday: March 7, 1989

Zodiac Sign: Pisces

Symbol:  The Fish

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Strengths: Intuitive, Empathetic, Not interested in material things, Has a sharp memory

Weaknesses: Emotional and sensitive, Prone to wistfulness, Has mood swings, Inflexible

Hindi natin maipagkakaila na solid na solid ang tambalang Kim Chiu at Gerlad Anderson. Unang-una, hindi sila tatawaging Kimerald kung hindi naniniwala ang mga fans nila na mahina ang kanilang loveteam. Pangalawa, patunay na malakas nga ang kanilang impact sa mga tao dahil simula noong lumabas ang dalawa sa Pinoy Big Brother Teen Edition, sila na ang laging magkapareha mula sa pelikula, hanggang sa mga TV series.

Pero hanggang saan ang kanilang on-screen lovelife? Porke’t inamin ba nila na mutual (as in mutual understanding!) ang nararamdaman nila sa isa’t isa ay panghabambuhay na sila? Wala naman sigurong masama kung itatanong natin sa mga stars ang tunay na mangyayari sa pagsasama nila at kung totoo ngang forever na ang Kimerald tandem!

Ayon sa kanilang mga zodiac, si Kim ay isang Aries at si Gerald ay isang Pisces. Base sa kanilang love compatibility, hindi daw masyadong maganda ang kanilang tambalan at may posibilidad pang maghiwalay sila. Ito ay sa dahilan na ang mga Pisces daw ay masyadong sensitibo sa kanilang nararamdaman. Hindi katulad ng Aries na prangka sa kanilang saloobin, magkakaroon ng kaunting pagsasalungat ng kanilang ugali. At isa pa, matagal mag-isip ang mga Pisces dahil tinitimbang muna nila ang lahat ng mga bagay bago gumawa ng bagay. Samantalang ang mga Aries, kung may kailangang gawin, mas mabilis pa sa alas-kuwatro, instant ang kanilang mga desisyon.

Ngunit kahit na magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali, hindi ibig sabihin na hindi magkakasundo ang mga Aries at Pisces. Ang pinakamainan na dapat nilang gawin ay pag-usapan ang kanilang pagkakaiba at ayusin ang dapat nilang ayusin. Sa totoo lang, romantiko at mapagmahal ang dalawang ito. Lalo na kapag sila ay nasa kama na, walang makakapigil sa pagiging agresibo ni Aries at tiyak naman na magugustuhan ito ng Pisces. Hindi malayong magiging mahusay ang kanilang buhay mag-asawa lalo na kung malalagpasan nila ang mga pagsubok.

by Jerome Caraballa

loading...

2 thoughts on “Love Compatibility: Kim Chiu and Gerald Anderson – Sila na ba talagang dalawa?

  1. Very good site, where did you come up with the information in this blog post? Im happy I found it though, ill be checking back soon to see what other articles you have.

Leave a Reply

Your email address will not be published.