Love Compatibility: John Lloyd Cruz & Angel Locsin: The Long Wait is Over!

MATAGAL-TAGAL NA RING inaabangan sa Kapamilya network ang unang pagtatambal nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin sa Imortal, ang sequel sa award-winning na Lobo. Isang taon ding ‘di nasilayan ang

galing ng dalawa sa primetime slot. Sa I Love Betty La Fea pa huling napanood si John Lloyd Cruz bilang Armando, samantalang si Angel Locsin naman ang gumanap ni Jillian sa Only You.

Alam nating lahat na kay Shaina umiibig ngayon si John Lloyd, samantalang si Angel naman ay bali-balitang pinopormahan ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar. Kung sakali kaya ay may pagasang

Magkatuluyan ang dalawang higanteng stars ng Dos? Hmmm… itanong natin sa mga bituin!

Halos pareho ang personality traits ng Cancer at Taurus. Pareho silang sensitibo at pinapahalagaan nila ang mga taong importante sa kanila. Natural din ang kanilang pagiging malambing at mas gusto nilang tumambay na lang sa isang lugar na tahimik at pribado.

Natural sa kanila ang pagiging friendly at pagiging matulungin sa kapwa, kaya gustung-gusto sila ng mga tao.

Ang pagiging gentle at praktikal ng isang Taurus ang magpapakampante sa isang Cancer. Pareho rin silang family-oriented at sinusuportahan nila ang hilig ng isa’t isa. Bihira silang magkakaroon ng issue at kung sakaling may tampuhan, inaayos nila ito agad. Swak na swak din ang pagiging possessive ng Taurus dahil gusto ng Cancer na pinaghihigpitan sila paminsan-minsan. Konti lang ang kanilang pagkakaiba kaya naman madali nilang masakyan ang trip ng bawat isa.

Ang relasyon sa pagitan ng babaeng Taurus at lalaking Cancer ay may malaking potensiyal na matuloy sa simbahan at mabuhay ng happily ever after. Maa-appreciate ni lalaki ang pagiging maalaga ni babae at magiging loyal ito hanggang sa kanilang pagtanda. Ang pagiging simple nilang pareho ang magdadala

sa kanila sa tagumpay hindi lang sa pagibig kundi pati sa pamilya at trabaho. Pagdating sa usaping-kama, hindi rin naman sila magpapatalo dahil sa labinglabing ay may chemistry rin sila. Bongga lang, ‘di ba?!

‘Yun naman pala, eh! Kung sakasakali palang magka-debelopan sina John Lloyd at Angel sa set ng Imortal ay magiging bongga rin ang ending nito. Mukhang kailangang magbantay nina Luis at Shaina, huh! Ang tagal pa naman natin itong hinintay at baka mamayang konti lang ay mabalitaan nating totoo na ang love story na kanilang ginagampanan, huh! Why not?!

by Jerome Caraballa

loading...

One thought on “Love Compatibility: John Lloyd Cruz & Angel Locsin: The Long Wait is Over!

Leave a Reply

Your email address will not be published.