Love Compatibility: Iza and Mark – All About Them

Iza Calzado

Real name: Maria Izadora Ussher Calzado

Screen name: Iza Calzado

Birthday: August 12, 1982

Birth Place: Quezon City

Showbiz anniversary: May 1, 2002

Mark Anthony Fernandez

Real name: Mark Anthony Fernandez

Screen name: Mark Anthony Fernandez

Birthday: January 1

Birthplace: Manila

Showbiz anniversary: 1992

NAKAKAALIW SILANG PANOORIN sa kanilang bagong soap sa Telebabad block ng Kapuso, ang All About Eve. Nu’ng umpisa, para silang mga aso’t pusa, pero ngayon, aba’y wala nang makapipigil sa wagas na pagmamahalan nina Kenneth at Nicole. Naks naman! ‘Yan ang ginagampanang karakter ngayon ng dalawa sa biggest stars ng Kapuso network na sina Mark Anthony Fernandez at Iza Calzado.

Pangalawang beses na rin itong pagsasama nina Mark at Iza sa telebisyon. Nauna na nga silang nagkatrabaho sa Impostora, ngunit hindi naman nila katambal ang isa’t isa. Pero tila napansin ng big bosses ng kanilang network ang kakaiba nilang chemistry kaya naman naisipan silang pagtambalin sa All About Eve. Eh, ang mga stars kaya, naisip kaya nila na may chemistry ang dalawang ‘ire kung sakaling magkatuluyan sila in real life? Hmm, halina’t ating alamin!

Si Iza na ipinanganak noong August 12 ay isang Leo samantalang si Mark naman ay isang Capricorn na ipinanganak noong January 1. Ayon sa umiikot na stars sa langit, ang katangian ng isang Leo ay hindi swak sa katangian ng isang Capricorn. In short, hindi sila puwedeng magsama sa totoong buhay!

Pa’no ba naman kasi, ang Capricorn na isang organized na tao ay hirap intindihin ang pabigla-bigla at mapusok na desisyon ng Leo. Ang Leo naman na madaling magpatawad, aba’y kabaligtaran naman ng Capricorn na napakatagal magpatawad at makalimot. Pagdating naman sa kama, mas mapusok ang Capricorn kaya naman hindi sila magkasundo. Ang Capricorn ay sobrang matipid samantalang ang Leo naman ay sobrang magastos. Kung ang Leo ay mahilig sa party at makihalubilo sa mga tao, ang Capricorn naman ay mas pinipiling magkaroon ng quiet moments.

Ayon sa konklusyon ng ating mga bituin sa langit, mas maraming pagkakaiba ang dalawang zodiac kaysa sa pagkakatulad. Kaya naman kapag nagsama sila at nagkaroon ng pamilya, hindi sila magiging masaya! Naku, buti na lang, dahil ang ating Capricorn man na si Mark ay happily married na. Ang ating bidang Leo woman naman na si Iza, aba’y may napapabalitang non-showbiz boyfriend daw. Talagang pang telebisyon lang ang tambalang Iza at Mark. ‘Wag nang ipilit sa real life, oketch?

by Jerome Caraballa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.