Love Compatibility: Itodo mo, Shake mo! (Jake Cuenca and Shaina Magdayao)

Screen Name: Shaina Magdayao

Real Name:  Shaina García Magdayao

Birthday: November 6, 1989

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Strengths: Loyal and trustworthy, Passionate, Charismatic and mystifying, Caring and patient

Weaknesses: Becomes jealous easily, Stubborn, Sensitive, Egoistic

Screen Name: Jake Cuenca

Real Name: Juan Carlos Cuenca

Birthday: December 30, 1987

Zodiac Sign: Capricorn

Symbol: The Sea Goat

Ruling Planet: Saturn

Strengths: Hard working, Responsible and reliable, Loyal and sincere, Strong willpower and resolve

Weaknesses: Introvert, A little obstinate, Cannot accept authority, Short tempered

Kakaiba talaga ang mga ibinibigay na pangalan kapag ang dalawang on-screen couple ay pinagtatambal at ipinagpapalagay ng fans na mayroon silang relasyon off-cam. Nandiyan ang DongYan (para kina Dingdong Dantes at Marian Rivera), Gelo (Angel Locsin at Piolo Pascual), Saman (Sam Milby at Anne Curts), AlKris (para kina Aljur Abrenica at Kris Bernal). Pero sa tingin namin, walang tatalo sa tambalan nila Shaina Magdayao at Jake Cuenca, o mas kilala sa tambalang Shake!

Kung ipagpapalagay natin na walang John Prats si Shaina at si Jake Cuenca ang kanyang mkakatuluyan, magiging maganda kaya ang kanilang relasyon at maayos ang kalalabasan ng pagsasama nila? Matatandaan na ilang beses nang nagsama ang dalawang young star na ito, tulad ng Your Song, Dragonna, at ngayon, sa pelikulang Villa Estrella, at hindi maikakaila na s’wak na s’wak ang kanilang chemistry. Ika ‘nga ni Jake sa isang interview sa kanya, eh, naa-appreciate niya si Shaina dahil napaka-professional nito at maraming silang things in common kaya naman sobrang kampante sila sa isa’t isa. Hmmm…. Bagay kaya sila? Tatagal kaya ang kanilang relasyon kung sakaling magkatuluyan sila? Aba, itanong na lang natin sa stars para makasigurado!

Isinilang si Shaina noong Nobyembre 6 kaya naman isang Scorpio siya, samantalang lumabas si Jake sa sinapupunan noong Disyembre 30, at isang Capricorn. Pareho silang emosyonal at sensitibo sa maraming bagay pero hindi nila ito ipinapakita sa harap ng maraming tao. Kaya sa kanilang relasyon, kailangan nilang maghinay-hinay para hindi nila mabigla ang isa’t isa. Sa ganitong pag-uugali, mukhang matatagalan silang mag-open-up kaya para sa inyo na mga naghihintay ng mabilis na resulta mukhang kailangan n’yo pang mag-relax ng kaunti.

Pero huwag kayong mag-alala dahil oras na malagpasan nila ang diyaheng parte ng kanilang pagsasama, tuluy-tuloy na ang kasayahan. Sa katunayan, magiging maganda ang takbo ng kanilang relasyon na maaaring humantong sa pagpapakasal at mala-fairy tale na pagsasama habambuhay. Punumpuno rin ng colors at shapes ang kanilang buhay bilang mag-asawa pagdating sa usapin ng kama. Malawak kasi ang imahinasyon ng mga Scorpio samantalang malakas naman ang stamina ng mga Capricorn.

Pareho ring malakas ang kanilang paninindigan pero mas higit ang Scorpio. Kailangan lang isipin ng Capricorn na ang kakayahang ito ng Scorpio ay dahil sa rin matinding pag-ibig sa kapareha. Nagreresulta ang koneksiyon ng dalawa sa pagiging magiliw at matagumpay na buhay may-asawa.

by Jerome Caraballa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.