Love Compatibility: Bonding ng dalawang Toro! (Angel Locsin and Luis Manzano)

Screen Name: Angel Locsin

Real Name: Angelica Colmenares

Birthday: April 23, 1985

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Screen Name: Luiz Manzano

Real Name: Luis Philippe Santos Manzano

Birthday: April 21, 1981

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Ang sabi nga sa isang sikat na pelikula, “More than meets the eye!” Magandang ehemplo siguro ang real life partners na sina Angel Locsin at Luis Manzano. Hindi na marahil sikreto sa ating lahat na talagang mag-on na ang dalawang idol natin. Iyon nga lang at kailangan pang umabot sa paglabas sa isang showbiz talkshow bago pa magkaroon ng aminan, huh!

Pero ano bang magagawa natin kung ayaw nga nilang sabihin! At least, alam na natin at kilig to the highest factor ang tambalang Angel at Luis! Eh, paano kaya kung tuluyan nang magpakasal sina Gel at Lucky? Wala kayang hahadlang sa kanila? Wala kayang kokontra ng bonggang-bongga? Ang mas mabuti, itinanong na lang natin sa mga stars para magkaalaman na kung anong sey nila!

Parehong Taurus ang dalawa. Si Angel ay ipinanganak noong April 23 samantalang si Luis ay noong April 21. Sa ilalim ng zodiac na ito, sinasabing sila ay maaasahan at mapagkakatiwalaan. Sila ay mahilig makipag-ugnayan sa kalikasan at gustong-gusto nilang napapaligiran ng magagandang bagay.

Pagdating sa relasyon at pag-ibig, mataas ang kanilang compatibility dahil pareho sila ng pag-uugali at naiintindihan nila ang isa’t isa kaya naman malaki ang tsansiya nilang magkasundo sa lahat ng bagay.

Pero kahit na bagay silang dalawa, may mga problema pa rin silang kakaharapin. Si babae ay isang sentimental na tao. Hindi siya papaya na hindi siya bigyan ng atensiyon. Samantala, ang lalaki ay mahilig lumabas. Kadalasan ay mas gusto niya pang lumabas kasama ang mga tropa niya at gumala.

Ang natatanging solusyon sa ganitong problema ay magkaroon ang dalawa ng magandang komunikasyon. Kapag nalagpasan nila ang mga hadlang sa kanilang buhay, ang buhay nila ay punum-puno ng romansa, pag-ibig, katapatan at pagkalinga na matatagpuan nila sa bawat isa.

by Jerome Caraballa

loading...

One thought on “Love Compatibility: Bonding ng dalawang Toro! (Angel Locsin and Luis Manzano)

Leave a Reply

Your email address will not be published.