Love Compatibility: Angel’s Diet (Angel Locsin-Diether Ocampo)

Real name: Diether Pascual

Birthday: July 19, 1976

Zodiac: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday

Real name: Angelica Colmenares

Birthday: April 23, 1985

Zodiac: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Lucky Day: Friday

KUNG ANG IBANG tao riyan, halos buong buhay nilang hinahanap ang kanilang kapareha, dito sa Pinoy Parazzi, kami ang naghahanap na kapareha para sa kanila! Tingnan mo na lang itong sina Angel at Diether! May K kaya silang magsama? O, makakasama na naman sila sa hindi mabilang na artistang naghihiwalay? Ang pinakamainam na gawin diyan, itanong ang kanilang kapalaran sa mga stars! Tingnan natin kung ano ang masasabi ng mga bituin sa magiging relasyon ng isang anghel at ng isang guwapong hunk, kung saka-sakali. Simulan na!

Malaki ang pagkakapareho ng mga Taurus at Cancer lalung-lalo na sa kanilang pag-uugali na magpapaigting ng kanilang pagsasama. Pareho silang sensitibong indibiduwal at nag-e-enjoy sila sa mga simpleng bagay. Pareho silang mabait at mapag-aruga sa mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi rin sila mahilig makipagkumpitensiya sa ibang tao kaya mas gugustuhin nilang mag-relax-relax at magpahinga lang.

Kung ang relasyon ng dalawa ang pag-uusapan, malaki ang tiyansa na maging forever silang dalawa. Ang pagiging malambing at mapang-unawa ni Taurus ay makasisigurado na hindi magmu-moodswing sa mahabang panahon. Hahangaan naman ni Cancer ang pagiging matapat ng kanyang kapareha. Walang sinumang maaaring mamagitan sa dalawa dahil magiging maganda at matibay ang kanilang samahan. Kahit na medyo sensuwal at malawak ang imahinasyon ni Cancer, madali siyang maiintindihan ni Taurus at magagawan nila ng paraan ang anumang problemang kanilang masasalubong. Kung walang magiging hadlang sa kanila, ang bawat gabi ng kanilang pagsasama ay tiyak na magiging hot na hot at extra sizzling! Ang kanilang relasyon ay isa sa mga pinakapambihirang tambalan na puwedeng tumagal nang mahabang panahon.

Aba’y ‘yun naman pala, eh! Kaya kung ako sa kanila, aba’y magpakasal na sila! Kahit na sa teleserye lang. Sa totoong buhay kasi, may kani-kaniya nang partner ang dalawang ito. Pero imagine-in mo, hindi tao o hayop sina Angel at Diet! Sila ay bagay! As in bagay na bagay!

by Jerome Caraballa

Related Post

loading...

One thought on “Love Compatibility: Angel’s Diet (Angel Locsin-Diether Ocampo)

Leave a Reply

Your email address will not be published.