Love Compatibility: Ang Pag-ibig ng Indio at ng Prinsesa! (Richard Gutierrez and Rhian Ramos)


Real name: Richard Kristian Rama Gutierrez
Screen name: Richard Gutierrez
Birthdate: January 21, 1984
Zodiac: Aquarius
Traits: Good communication skills, Sociable, Idealist, Tactless, Desires change, A utopian
Likes: Fame, Themselves, Privacy, Dreams, Magic, Change, Eccentricity, Surprises, Living within their means
Dislikes: Emotion, Intimacy, Show-offs, Taken for granted, Being ‘pinned down’, Violence, Senseless extravagance

Real name: Rhian Denise Ramos Howell
Screen name: Rhian Ramos
Birthdate: October 3, 1990
Zodiac: Libra
Traits: Desires popularity, Loves art, Neat, Dresses up for the occasion, Slight perfectionist, Narcisstic, Charitable, Bossy at times, Plans ahead, Attention to detail, Loves public service
Likes: Beauty, Gifts, Debates, Attention, Intellectual conversations, Admiration, Credit cards, Mingling, Subtle colours, textures, Haute Couture
Dislikes: Noise, Confusion, Sloppiness, Ugliness, Dirt, Pressured decisions, Being rushed, Criticism

ANG SABI NG ating mahiwagang bolang kristal, bagay na bagay ang ating dalawang Kapuso Stars! Sa sobrang bagay nga nila,sinasabi pa na magiging maligaya sila kahit na walang pagtatalik na magaganap sa magkabilang panig. Siyempre, papayag ba naman ang ating katropang si Richard na hindi bigyan ng apo ang kanyang inang si Anabelle Rama? Iyan ay kung magkakatuluyan ang aktres at ang ating Primetime King lang naman! Hehehe!

Pero ang totoo niyan, naging matagumpay naman ang loveteam nila Richard at Rhian lalo na sa kanilang mga nahuling proyekto partikular na ang Captain Barbell, Lupin at ngayon, ang Zorro. At kung kakalikutin natin ang ating malikot na imahinasyon, ano kaya sa palagay ninyo ang maaaring kahihinatnan ng relasyon nila kung saka-sakaling magkatuluyan silang dalawa? Hmmm… aba’y itanong na natin iyan sa ating stars!

Si Richard ay ipinanganak noong January 21, ibig sabihin nu’n, isa siyang Aquarius. Samantalang si Rhian ay noong October 3 at napapasailalim sa zodiac ng Libra. Ayon sa love compatibility chart ng Aquarius at Libra, parang match made in heaven ang kanilang tambalan. Palagi silang game sa anumang hamon ng buhay. Kayang-kayang sabayan ng liberal na Libra ang pagiging masiglahin nitong si Aquarius, lalo na at palagi siyang busy sa kanyang mga schedule.

Marami silang mga kaibigan at mahilig din sila sa mga party at masalamuha sa maraming tao. Magugustuhan ni Libra ang pagiging creative at initiative ni Aquarius at magugustuhan naman ng huli ang pagiging balanse at butihing ugali ng nauna.

Ang atraksiyon ng dalawa ay maaaring mauwi sa isang long-term relationship, baka nga puwede pa silang maging mag-asawa dahil sa ganda ng kanilang pagsasama. Iyon nga lang, abut-abot ang gagawing pagko-convince na gagawin ng babae kay lalaki upang mapapayag niya ito sa isang commitment. Pero sa oras na napapayag na niya ito, isa na siya sa pinakamasuwerteng tao na mabibiyayaan ng isang magandang pagsasama habambuhay.

Naku! Kapag nagkatuluyan ang ating favorite Kapuso loveteam, parang piyesta palagi sa kanilang bahay. Hindi lamang dahil sa magiging masaya ang kanilang bahay. Isipin mo na lang kapag nagkita ang nanay ni Richard at ang tita ni Rhian na isang top executive sa GMA. Wala lang, hehehe! Fireworks!

by Jerome Caraballa

loading...

2 thoughts on “Love Compatibility: Ang Pag-ibig ng Indio at ng Prinsesa! (Richard Gutierrez and Rhian Ramos)

  1. Pingback:   Love Compatibility of Rhian Ramos and Richard Gutierrez / Rhian Ramos - Fan Blog With Pictures And Videos

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #53

Leave a Reply

Your email address will not be published.