Love Compatibility: Adik ang aking irog! (Pauleen Luna-Dennis Trillo)

Screen Name: Pauleen Luna

Real Name: Pauleen Luna

Birthday:  November 10, 1988

Zodiac: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

Screen Name: Dennis Trillo

Real Name: Abelardo Dennis Florencio Ho

Birthday:  May 12, 1981

Zodiac: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: FridayLUMABAS SA PINOY Parazzi ang balitang tungkol sa confirmed relationship nina Pauleen Luna at Dennis Trillo! Ampogi talaga ni Papa Dennis dahil lagi siyang nali-link sa iba’t ibang babae. Pero infairness, magaganda at sexy sila at ang iba, talagang pang-model ang katawan!

Aba’y kung sila nga talaga eh, hindi natin palalampasin ang kanilang pag-iibigan! Susubukan nating alamin kung bagay nga ba sila sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga stars na nasa langit nawa!

Si Dennis ay isang Taurus dahil sa isinilang siya noong Mayo 12 samantalang si Pauleen ay isang Scorpio, na ang birthday ay noong Nobeyembre 10. Ayon sa ating love compatibility, malaki ang tsansiya ng dalawang artistang ito na magkaroon ng maganda at makabuluhang pagsasama. Strong magnetic attraction, ‘ika nga! Iyon nga lang, kailangan nilang pagsikapan ang kanilang pagsasama dahil katulad ng ibang mga relasyon, tatadtarin sila ng samu’t saring problema! Kabilang na sa mga haharang sa kanilang masayang pagsasama ay ang kanilang mga negatibong ugali na talaga namang pagkarami-rami. Si lalaki ay may pagkamatigas ang ulo, samantalang si babae ay maingay at madada. Mahusay magdala ng usapan ang mga Taurus guy kaya naman magiging sikat siya sa mga ibang babae, kaya naman lalabas talaga ang pagiging selosa ni Scorpio girl!

Pero kahit na ganito ang sitwasyon ng ating lovebirds, malakas naman ang kanilang mga sexual urges na magdadala sa kanila sa susunod na level ng pagsasama! Meh ganu’n?! Siyempre, ang kailangan lang nilang gawin ay pag-usapan nang maigi ang mga problema nila dahil pareho naman silang matalino at mahahaba ang pasensiya.

So, kung sila na nga ang magkakatuluyan, aba’y magiging maayos naman ang kanilang situwasyon. Unang-una, naiintindihan naman ni Pauleen si Dennis lalo na sa pagiging binatang-ama ng 28-taong gulang na heartthrob. Kung ituluy-tuloy man nila o hindi ang kanilang relasyon, nasa kanila na ‘yon! Pag-igihan na lang nila… sa kama! Hehehe!

by Jerome Caraballa

loading...

3 thoughts on “Love Compatibility: Adik ang aking irog! (Pauleen Luna-Dennis Trillo)

  1. Ok… dennis galing mo khit my anak na eh… Chikz ng chikz ariin mo n ang lahat ng babae s mundo ok lng yan…wag munang pwalan ang babae n walang maiiwan s kanya…tapos nun pagmayroon n sa isa nman ok lng yan…”para madala” D’ dapat cniseryoso ang taong d’ naman seryoso…

  2. Napakabata pala ni Pauleen. 20 years old lang. How old was she when she got involved with this Mayor Gatchalian? May 18 na ba siya? Otherwise, this mayor is involved with a minor at that time. Batang bata pa rin siya nang ma involve kay Diether, Kempee at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published.