Louise delos Reyes, takot kay Anne Curtis

Louise-delos-ReyesHINDI NAMAN itinanggi ni Louise delos Reyes na natatakot siya sa Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis na katapat ng serye niyang Kambal Serena. Bukod daw kasi sa talagang seksi at sikat na actress si Anne, mga malalaking artista ang kasama sa Dyesebel kumpara sa Kambal Serena.

Pero hindi alam ni Louise na mas masuwerte siya kumpara kay Anne dahil siya lang ang nagdadala ng istorya ng Kambal Serena. Kapag nag-klik ang Dyesebel ay hindi kay Anne mapupunta ang credit dahil sa dami ng mga sikat na artista ang kasama sa serye.

Samantalang sa Kambal Serena, kapag nag-klik ay sa kanya lang ang credit dahil siya ang nagdala ang istorya at hindi dahil sa dami ng malalaking artistang kasama.

Siyanga pala, hindi naging problema sa relasyon nila ni Enzo Pineda ang pagtatambal nila ni Aljur Abrenica sa Kambal Serena. Alam naman daw ni Louise na mayroon nang Kylie Padilla si Aljur at alam din daw ni Aljur na going strong ang relasyon nila ni Enzo.

Tsika pa ni Louise, habang tumatagal ang serye nila, nawawala na raw ang kaba niya na masira muli ang tumatakip sa kanyang boobs. Inayos na raw ang lahat para hindi na mangyari ang hindi nila inaasahang pagkakatanggal ng itinakip sa kanyang malusog na boobs.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.