Louise delos Reyes, relax na relax kay Alden Richards

UMIIYAK SI Louise de los Reyes nang humarap ito sa amin for interview dahil primetime bida na sila ni Alden Richards sa One True Love ng GMA-7. Itinuturing siya ngayon Primetime Princess ng Kapuso Network kaya ganoon na lang ang pasasalamat ng dalaga.

“Actually, sa backstage palang naiiyak na ako. Sobrang happy na hindi ako inaasahan na ibigay agad sa akin ang ganitong kagandang project,” intro ng dalaga.

Kumusta naman si Alden as an actor and as a friend? “Si Alden bilang friend, sobrang supportive niya. Siya ‘yung isa sa mga critics ko. Siya ‘yung madalas na nag-a-advice sa akin kung ano ‘yung dapat kong gawin sa trabaho or sa personal life, ganoon din naman ako para sa kanya. As a leadingman, sobrang kumportable ako sa kanya. Hindi ko ma-imagine paired with other guys. Kay Alden, relax na ako, parang ang hirap nang iwasan na hindi ka maging pamilyar sa kanya,”aniya.

Sa sobrang close nina Louise at Alden naging passionate ang kissing scene nila sa nasabing soap. Palibhasa may chemistry ang dalawa kaya naging mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga fans. “Hindi ko ma-explain kung ano ‘yung nakikitang magic sa aming dalawa. Nag-uusap kami, tinatanong niya sa akin kung kumportable ako sa mga eksena namin. Nakailang take din ‘yung kissing scene namin, minsan maaga siyang pumipikit, ganyan. Nakikita kasi namin sa playback ‘yung bawat eksenang nakunan. Dapat kasi, ilalapat (lips) muna bago ka pipikit, kasi du’n mo ninanamnam,” natatawang kuwento ni Louise.

Maging ang personal life ni Alden ay nai-share na rin ng binata kay Louise. Naging open sila sa isa’t isa kaya hindi malayong mauwi to something deeper ang kanilang friendship. Inamin ni Louise na nadala siya sa kissing scene nila ni Alden. After the take, may ilangan ba sa kanilang dalawa? “Nagtatawanan lang, tapos panonoorin namin ang playback kung okay ba ang dating sa screen. Iba ‘yung nararamdaman ninyo ang eksena pero hindi maganda ang dating sa screen. Kahit pack-up, tinatanong namin si Direk kung okay ba ‘yung kissing scene namin ni Alden,” nakatutuwang kuwento niya.

Palibhasa walang malisya si Louise kaya hindi niya naramdaman na gusto pala siyang ligawan ni Alden. If ever, may pag-asa ba naman ang guwapong aktor? “Naka-focus ako sa trabaho kasi, parang ang hirap pagsabayin. Mayroon namang chance, lahat naman may chance para sa akin. Si Alden, madali siyang mahalin, kasi sobrang sweet niya. Kahit hindi niya ako girlfriend, kung minsan para na siyang tatay at kuya at the same time,” wika nito.

Inamin ni Louise na never pa siyang nagka-boyfriend. Posible bang ma-inlove ang isang Louise de los Reyes sa isang ordinary man? “Opo kasi, ako ‘yung tao na hindi tumitingin sa status ng buhay. Sa akin is more on puso kung papaano ka makikipag-kapwa tao.”

Kung sakaling mai-in love si Louise, ano ‘yung qualities ng isang lalaki sa gusto niyang maging boyfriend? “Ako ‘yung tipo na masyadong selosa, kaya du’n ako nahihirapan. Kaunting dikit lang ng babae, ‘yun na. Alam ni Alden na selosa ako. Siguro halos lahat ng pagkatao ko, alam na niya… kung paano ako mainis. Kung papaano ako papaamuhin. Alam ko na rin kung ano ‘yung magpapaiyak sa kanya. Ha! Ha! Ha!”

Ano ‘yung pumipigil kina Louise at Alden para maging sila? “Siguro parehas lang kaming focus sa work. Minsan naiisip rin namin, mahirap ding pagsabayin, kasi tao lang kami. Kunwari nag-aaway, hindi maiiwasang maaapektuhan ang trabaho namin. Mahirap itago lalo na sa kamera. Ako pa naman ‘yung tipo ng tao na sobrang-transparent. Kung ano ‘yung nakikita ninyo sa akin, ‘yung talaga ang mood ko,” paliwanag ni Louise.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Louise delos Reyes, relax na relax kay Alden Richards

  1. di naman sisikat ireng batang ito eh! mukhang common na maarte akala mo maganda eh tsaka naman! hi hi hi!

Leave a Reply

Your email address will not be published.