Louise delos Reyes, palaban sa bashers at haters sa social media

Louise delos Reyes

Louise delos Reyes

Palaban si Louise delos Reyes sa basher at haters niya sa social media. Madalas kasing biktima ng pambabatikos ang Kapuso actress ng ilang netizens, lalo na kapag ikinakabit ang pangalan niya sa kung kaninong lalaki.

Dahil sa madalas na paninira, nasanay na raw siya at may pagkakataon na sumasagot na rin daw siya, dahil hindi na raw makatarungan ang ilang comments sa kanya.

Tulad na lang daw noong mag-post siya ng isang photo kasama si Alden Richards. Dinagsa na raw siya ng pintas mula sa mga nagsasabing fans ng AlDub.

Na-bash din daw siya noong ma-link siya kay Aljur Abrenica at noong makipaghiwalay siya kay Enzo Pineda.

Gustuhin man daw niyang manahimik na lang, pero ang pagiging palaban daw niya ang minsan umiiral.

Alam daw ni Louise delos Reyes na kasama sa pagiging artista ang ma-bash ng haters, pero ang pagiging Caviteña raw niya ang nag-uudyok sa kanya para maging palaban din.

Sa pakikipagtambal niya kay Juancho Trivino sa bagong seryeng “Makaibang Mundo”, hinanda na ni Louise ang sarili sa mga panibagong pambabatikos.

Sabi nga ni Louise, i-bash mo na ang trabaho niya at suot, huwag lang ang pagkatao niya, dahil ‘di naman daw siya talaga kilala ng mga ito.

Samantalang ipinakita ni Louise ang kaseksihan sa isang photo niyang inilabas sa social media.

Grabe ang kaseksihan ngayon ni Louise. Sabi nga ng mga nakakita sa sexy pose niya, kurba pa lang ng katawan at dibdib ay ulam na.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Louise delos Reyes, palaban sa bashers at haters sa social media

  1. Magandang gabi!!! Nagtatanong lang po: Sa pagtingin ko sa suot ni Louise sa dakong itaas, kulay melon, may naaninag po yata akong buhok sa kaliwang kilikili niya, hehehe!!! Pakiwasto lamang po kung mali ‘yung nakita ko, hehehe!!! ‘Yun lang po at muli, magandang gabi. Hi, Louise!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.