Louise Delos Reyes, nagkaroon din ng pagkakataong makita nang personal si Selena Gomez

Louise Delos Reyes & Selena Gomez

Louise Delos Reyes & Selena Gomez

Hindi naiwasang kiligin at ma-starstruck ng Kapuso Star na si Louise Delos Reyes nang mapili siya para magkaroon ng pagkakataong magkaroon ng backstage pass at makadaupang-palad ang international singer na si Selena Gomez.
Pinuri pa nga raw ni Selena ang kasuotan ni Louise at sinabi nitong yayakapin ang lead actress ng afternoon prime teleserye ng GMA na “Magkabilang Mundo” na labis na ikinakilig ni Louise delos Reyes.
Para kay Louise na labis-labis ang paghanga sa mahusay na international singer, isa raw once in a lifetime experience ang makasama ang kanyang idolo at nag-wish na sana raw ay makita at makasama niyang muli si Selena kapag muli itong bumisita at mag-concert sa bansa.
Bukod kay Louise, masuwerte ring nagkaroon ng pagkakataong makadaupang-palad ng pretty Kapamilya Star at lead actress ng top-rating serye sa ABS-CBN na “Dolce Amore” na si Liza Soberano si Selena Gomez.
Ilan nga sa celebrities na namataan sa concert ni Selena bukod kina Liza at Louise ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza minus ka-love team na si Alden Richards.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.