Louise delos Reyes, may ibang lalaki kaya nakipag-break kay Enzo Pineda?

Enzo-Pineda-Loiuse-delos-ReyesHINDI PA pala tapos ang isyu sa break-up nina Louise delos Reyes at Enzo Pineda dahil may naglalabas na may third party sa parte raw ni Enzo at hindi sa parte ni Louise.

Dahil dito ay nag-react at nagsalita na ang daddy ni Enzo na tumatayo ring co-manager ng anak with GMA Artist Center.

Ayon sa daddy ni Enzo, na business manager din ni Manny Pacquiao, na walang third party sa side ni Enzo dahil ang totoo raw ay sa side ni Louise ang third party, which happen to be a close friend ni Enzo.

Mas mabuti na tigilan na raw ang maling balita dahil oras na mapuno na raw ang daddy ng actor ay baka pangalanan na nito kung sino talaga ang third party.

Samantalang, tanggap na naman daw ni Enzo ang nangyaring break-up nila ni Louise. Right now ay naka-focus daw ang actor sa kanyang showbiz career at ang pinagkakaabalahan niya ay wakeboarding bukod sa pagpunta sa gym.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Louise delos Reyes, may ibang lalaki kaya nakipag-break kay Enzo Pineda?

  1. nyahahha merry go round lang ang drama ng mga starlets sa kamuning hahahahaha para lang mga aso nagpalitan ng partner hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.