Louise delos Reyes, mas bagay na sirena kaysa kay Anne Curtis

Louise-delos-ReyesNGAYON PA lang, may nagtatalo na kung sino kina Anne Curtis at Louise delos Reyes ang may karapatan maging sirena.

Pinagtatalunan kasi na mas bagay raw kay Louise ang sirena kaysa kay Anne dahil mas bata pa raw ang una kaysa sa huli.

Pero kung pag-uusapan naman daw ang dami ng mga nagpapantasya sa dalawa, mas hamak na marami raw ang nagpapantasya kay Anne kumpara kay Louise.

Anyway, nakatakdang umere sa telebisyon ngayon Marso, ang Kambal Sirena na pagbibidahan ni Louise at Dyesebel naman ni Anne Curtis.

Ayon sa nakarating sa amin, mas mauunang ilabas sa telebisyon ang Kambal Sirena ni Louise sa March 10 dahil sa March 14 naman nakatakdang umere ang Dysebel ni Anne sa ABS-CBN.

Anuman ang mangyaring salpukan ng dalawang sirena sa telebisyon, iisa lang ang masasabi namin. Parehong masuwerte sina Louise at Anne dahil pareho silang may project na susubaybayan sa TV.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.