Louise delos Reyes: Kapuso’s next important star!

SI LOUISE DELOS Reyes ang isa sa mga teen stars na binibigyang pansin ngayon ng Kapuso network. Napapanood ito tuwing hapon sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7 bilang bida sa Alakdana. Kung tutuusin, bagong salta lang ito sa Siyete, pero binigyan na siya kaagad ng lead role sa isang teleserye. Sino nga ba si Louise delos Reyes?

Si Louise delos Reyes ay si Louise Ompauco delos Reyes sa totoong buhay. Ipinanganak siya noong September 1, 1992. Sa murang edad ay naka-15 na commercials na si Louise. Hindi naman ito kataka-taka dahil malakas ang charisma nito sa mga consumers.

Hindi na rin maituturing na baguhan sa showbiz si Louise delos Reyes. Una itong napanood sa kauna-unahang youth-oriented TV show ng TV5 na Lipgloss. Nagbida na rin ito sa indie film na ‘Agaton & Mindy’ ni Peque Gallaga noong 2009 at nanominate pa ito sa 26th PMPC Star Awards for Movies (Best New Movie Actress). Beterana na rin ito sa ilang teen modeling and beauty contests bago nito tuluyang pinasok ang pag-aartista.

From Kapatid Network ay naging certified Kapuso na ito last year. Lumabas ito sa ‘Pilyang Kerubin’ na pinagbibidahan nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza. Naging regular performer din siya sa Party Pilipinas at napasali pa sa original cast ng Reel Love Presents: Tween Hearts.

Isang malaking sugal para sa Kapuso network ang pagbibigay ng isang malaking proyekto tulad ng ‘Alakdana’ sa isang unknown teen star kaya paniguradong may halong saya at pressure kay Louise ang pagtanggap sa nasabing soap opera. May mga tsika pa ngang nagsitaasan ng kilay ang mga iba pang female Kapuso celebrities dahil bagong salta pa lang sa network ang dalaga, pero bonggang project na agad ang ibinigay sa kanya.

As of writing ay palaban naman sa rating game ang Alakdana. Ito na kaya ang hudyat ng pagiging next important lead star status para kay Louise? ‘Yan ang dapat nating abangan!

For comments, questions and suggestions, email us at pinoyfansclub@gmail.com and visit our site at http://www.pinoyfansclub.com.

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com and visit Pinoy Fans Club.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

About the Author

has written 54 stories on this site.

loading...

One thought on “Louise delos Reyes: Kapuso’s next important star!

  1. She's pretty, kaya lang iyak siya ng iyak sa alakdana eh…baka mamaya maging iyakdana na yun…gusto ko yung lumlaban siya kahit na hindi lumalabas ang kanyang buntot. gusto kos iayng makita na sina-sampal-sampal si veronica hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.