Louise delos Reyes, dinakma ang harap ng maniac na fan!

NAGTITILI AT nagsisigaw si Louise delos Reyes nang dakmain ng maniac na fan ang maselang bahagi ng katawan sa ibaba habang naglalakad ito sa gitna ng mga naghihiyawang tagahanga.

Nasa Cebu sila ng ka-tandem sa One True Love na si Alden Richards para sa promo ng kanilang teleserye sa GMA-7. Walang kamalay-malay ang mga kasama ng young stars na namolestiya na pala siya ng maniac na fans habang naglalakad.

“Sapu-sapo ko na nga po ng aking dalawang braso ang aking dibdib para iiwas sa hindi dapat mangyari. Pero ‘di ko naman puwedeng takpan, tabingan ang aking ibaba. Nagulat na lang ako nang may dumakma nga roon (maselang bahagi ng katawan sa ibaba).

“Nagsisigaw at nagtitili ako. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ‘yun. Nag-iiyak ako. Hindi na nakita ang nanghipo sa akin,” pahayag ni Louise.

Hindi na kasi namalayan ng mga kasama ni Louise na nadakma ang maselang bahagi ng katawan sa ibaba, dahil akala ay nagsisigaw lang ito dahil naipit sa nagkakagulong fans. Kaya huli nang malaman na may dumakma sa ibabang parte ng kanyang katawan kaya ang maniac na lalaki ay nakalayo nang walang nakapansin.

Nang makarating sa pamunuan ng Kapuso Network ang nangyari kay Louise, nangako na hindi na ito ulit mangyayari dahil sisiguruhin ng management na may nakatalagang security guard sa lahat ng talent ng Kapuso stars, lalo na sa mga babaeng artista.

 

HINDI NA kami nagpaliguy-ligoy nang makaharap at makausap namin si Rita Avila kaugnay ng naglalabasan na kaya siya tinanggal sa top-rating serye ng Dos ay dahil may topak daw siya?

Hindi naman nakitaan ng pagkadismaya o pagkairita nang tanungin namin nang harapan kung totoo ba na may topak siya kaya tinanggal sa serye ng Dos?

“Walang katotohanan na tinanggal ako dahil sa isyung may topak. Ang totoo, nag-resign ako dahil sa health problem. Kinailangan ko kasi ng complete rest for 2 months para sa theraphy ng aking neck at back dahil sobrang sumasakit na.

“Advice ng doctor ko na kailangan ng 2-month rest para malunasan ang sakit sa neck at back. Kung hindi ko gagawin ay mababalewala ang theraphy na ginagawa sa akin,” pahayag ni Rita.

Inamin at ‘di naman itinanggi ni Rita na may time na kinakausap niya ang kanyang alagang doll sa taping at kahit sa kanilang tahanan.

“Wala namang masama roon dahil kahit sinong may paboritong laruan na doll ay kinakausap din paminsan-minsan ng may-ari nito, ‘di ba?” say pa ni Rita.

Pinagdiinan din ni Rita na ‘di siya apektado sa naglalabasang isyu, na kesyo siya raw ay nababaliw na kaya tinanggal sa isang top-rating serye ng Dos.

Importante ay wala raw siyang tinatapakang tao at malinis ang konsensiya niya. At muling inulit na ‘di siya tinanggal, nag-resign daw siya.

Ngayon ay balik-GMA-7 si Rita sa role na ina ni Andrea Torres sa Sana’y Ikaw Na Nga with Jestoni Alarcon at Mikael Daez na siyang lead actor sa serye katambal ni Andrea.

Ask namin again si Rita na kung may theraphy siya, bakit niya tinanggap ang offer ng GMA-7? Sa role na mother ng baguhang si Andrea Torres?

“Tamang-tama naman kasi nang dumating ang offer ng GMA-7, nakapag-rest na ako ng 2 months kaya tinanggap ko,” pagdidiin pa ni Rita.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

7 thoughts on “Louise delos Reyes, dinakma ang harap ng maniac na fan!

  1. Grabe! kung makapagsabi naman na starlet si louise! FYI kilala ang buong pamilya nila sa Tanza dahil hometown heroes ang fathers at brothers niya!!!! at bilang ako na isang proud cavitena, nasasaktan din ako sa sinasabi niyo sa kapwa cavitena ko!!!! Actually isa siya sa mga stars na hinahangaan ko, kasi kahit na busy siya sa mga shooting niya, di niya pa din nineneglect ang studies niya at namamaintain niya ang scholarship niya!!! so meron ba sa kapamilya ng isang scholar na artista pa na kaya niyang pagsabayin!!???? siya na nga naagrabiyado eh! respeto naman mga p’re!

  2. Kung nakadamit si louise di naman madadakma ang kanyang malamang nasalat lamang iyon. di kagaya ng dede na mahahawankan mo kasi nakausli o lawit ang keps ay paloob at di mo mahahawakan at ang magagawa lang ng maniac ay kapain o sundutin ito.

  3. dahil sa nangyari kay louise delos reyes, bet na bet ko nang magiging isang starlet na ang aktres aktresang yan! hahahahaha! bet na bet ko magpapaseksi na yan dahil feeling ng hitad hindi na sya birhen hahahahaha. tapos may i ask for more na sya sa kalove team nya dahil nabitin sa ginawa ng fan nyang pagdakma hahahahahahahahaha!

    .

    sinong tanga naman ang maniniwala na nakapaghinga ng 2months si rita avila eh wala pang 2 months mula nang umalis sya sa walang hanggan, naibalita sa tv patrol ung pagpalit at paguumpisa ng taping ni eula valdez sa kanya eh wala pang 2 months yun. anyway, matagal naman nang nababalitang may saltik si avila mula nang makunan sya at pati asawa nya nakisama na rin kaya silang magasawa ay may saltik na rin hahahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.