Louise delos Reyes, ‘di natatakot kay Anne Curtis

Louise-delos-ReyesWALANG PANGAMBA or pressure na nararamdaman daw si Louise delos Reyes oras na umere ang serye niyang Kambal Sirena na siyang itatapat sa Dyesebel naman ni Anne Curtis.

Trabaho lang daw ang iniisip niya at hindi dahil magkakatapat ang serye nila ni Anne na kung saan pareho silang lalangoy sa dagat na walang takip sa dibdib.

Walang pangamba rin si Louise na lalabas or lalantad ang malusog niyang dibdib oras na umere na ito sa telebisyon.

Samantalang all-out support naman daw ang ibinibigay ni Enzo Pineda sa girlfriend. Ayon kay Louise, si Enzo pa nga raw mismo ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na gawin ang mga eksena na walang pagamba, lalo pagdating sa paglangoy nang walang saplot sa itaas.

Well, just wait na lang tayo kung sino kina Anne at Louise ang lalabas na mas seksi at daring sa role nila bilang sirena.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleGelli de Belen, hirap nang maglambing sa mga anak
Next articleJoey de Leon, hinawakan ang bird ni Wally Bayola

No posts to display