Louise delos Reyes, ‘di magpapabuntis kay Enzo Pineda

Louise-delos-ReyesNANGAKO SI Louise delos Reyes na hindi raw mangyayari na mabuntis siya ng boyfriend na si Enzo Pineda.

Nasabi ito ng young actress na bida sa Kambal Sirena dahil sa sitwasyon nito ngayon na magsasarili na ng tirahan.

Dahil mag-isa na lang daw siya sa bagong titirhan ay puwede na raw nilang magawa ng boyfriend ang lahat ng gusto nilang gawin sa buhay.

Pero kaagad nga itong sinalag ni Louise at pinagdiinan na hindi raw sila lumalagpas sa limitasyon ni Enzo.

Ayon pa kay Louise, hindi raw niya gugustuhing masira ang kanyang showbiz career dahil lang sa maling desisyon.

Lalo na raw ngayon na magagandang oportunidad ang ibinibigay sa kanya ng GMA 7 at tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng network.

Ask kung nakakaramdam ba siya ng pressure sa magiging rating ng kanyang seryeng Kambal Sirena sa pagtatapat ng Dyesebel naman ni Anne Curtis sa Dos?

Wala raw sa focus niya ‘yung baka masapawan sa rating at comparison ng serye niya sa serye ni Anne.

Nakasentro raw ang atensyon niya ngayon ay pagbutihin ang kanyang pagganap para hindi raw sila bitiwan ng mga manonood.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Louise delos Reyes, ‘di magpapabuntis kay Enzo Pineda

  1. naku, teh ngayon lang yan, bibigay ka rin lalo na pag natikman na ang malaking burat ni enzo hahahahaha! yan eh kung malaki nga, hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.