Louise delos Reyes, buhok lang ang takip sa boobs sa kanyang soap

Louise-delos-ReyesSI MARIAN Rivera raw ang isa sa malaking factor kung bakit pumayag si Louise Delos Reyes na buhok lang ang takip sa kanyang boobs bilang sirena sa kanyang newest soap sa GMA 7, ang Kambal Sirena.

Tsika nga ni Louise, “Nakausap ko kasi si Ate Yan (Marian) at sinabi niya sa akin na nu’ng ginawa niya ‘yung Marimar, hindi siya naglagay ng limitasyon sa ginagawa niya, binigay niya lahat for the show.

“Kaya naman ako, na-inspire ako sa sinabi niya sa akin. Kaya naman hindi rin ako nagbigay ng limitasyon sa role na gagampanan ko sa Kambal Sirena. And I know naman na hindi naman ako bibigyan ng project ng GMA na alam nilang hindi ko kaya. Kumbaga, alam nilang kaya ko ito. Kaya naman ibibigay ko ‘yung 100% na puwede kong ibigay para sa soap namin.

“Basta sa akin, gagawin ko ang lahat katulad ng ginagawa ni Ate Yan, basta kinakailangan sa eksena at para sa ikagaganda ng Kambal Sirena.”

Hindi ka ba natatakot na baka makitaan ka ng boobs?

“Hindi naman, kasi may tiwala naman ako sa director namin at sa bumubuo ng soap namin. Hindi siguro mangyayari ‘yun.”

 

MASAYA ANG intimate birthday party na ginanap sa Palladium Shaw Blvd. ng very geneorus na CEO/President ng New Psalmstre, makers of New Placenta, Olive C atbp., na si Sir Jaime Acosta.

Halos lahat nga ng dumalo ay mga close at malapit sa puso ni Sir Jim mula sa Master Showman German Moreno, Direk Maryo Delos Reyes, John Nite, Doctor Charlie Mendez, at Tita Evelyn.

Dumalo rin ang mga past winner ng Mr. & Ms. Olive C at ang mga image model nitong sina GMA 7 Tween Star Hiro Magalona Peralta (celebrity endorser), Chelsea Starling (winner of Ms. Olive C 2013) at Stephany Stefanowitz (New Placenta Image Model ).

Present din ang mga kapatid sa panulat at nagbigay naman ng awitin ang mahusay na singer na si Joel Mendez at ang  teen Michael Buble ng Baguio na si Karl Gil na isang half-Pinoy /half-French.

 

SA FEBRUARY 4 na mapapanood  ang una sa apat na Telesine na gawa ng Studio 5 Original Movies, ang The Lady Next Door, na pagbibidahan nina Ms. Alice Dixson at Mark Neumann at mula sa direksiyon ni Direk Joel Lamangan.

Ito’y  may temang May-December affair between Alice and Mark, kung saan tsika nga ni Ms. Alice na revelation daw dito ang galing sa pag-arte ng isa sa pambatong young actor ng TV 5 na katas ng reality artista search na Artista Academy.

Dagdag pa ni Ms. Alice na in real life daw ay hindi niya nakikita ang kanyang sarili na mai-in love sa mas bata sa kanya, mas gusto pa rin daw nito na kasing edad niya o mas matanda sa kanya ang lalaking susunod niyang makakarelasyon at mamahalin.

 John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.