Louise delos Reyes, biglang sisikat ‘pag tinalo si Anne Curtis

1 Louise-delos-ReyesMALAPIT NA rin palang magsimula ang Kambal Sirena, dahil ito ang papalit sa Adarna na magtatapos na ngayong linggo.

Parang interesting itong Kambal Sirena dahil talagang ginastusan at talagang pinag-isipan nang husto ng writer at ni Direk Dondon Santos.

Ang sabi nila, bongga ang costume na kahit hirap na hirap ang mga artista, talagang tiis sila alang-alang sa ikagaganda ng telefantasyang ito ng GMA 7 na pagbibidahan ni Louise delos Reyes.

Hindi maiwasang ikumpara ito sa Dyesebel ni Anne Curtis, pero sa totoo lang walang mawawala rito kay Louise dahil siyempre hindi naman siya kasinlaki ni Anne. Pero kung sakaling matalo nitong Kambal Sirena ang Dyesebel, bonggang-bongga si Louise.

Malaki ang magagawa nito sa career niya at siyempre may bagong pasisikatin na naman ang Kapuso Network.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Louise delos Reyes, biglang sisikat ‘pag tinalo si Anne Curtis

Leave a Reply

Your email address will not be published.