Louise delos Reyes at Enzo Pineda, Nagkakaselosan!

HINDI MAN umamin sa kanilang personal na relasyon, nahihiwatigan naman ang matamis na pagkakaunawaan sa isa’t isa ng Alakdana star Louise delos Reyes at ng Starstruck boy Enzo Pineda. Lam-bingan lang umano nila ang kanilang pagseselosan lalo na nang malaman ni Enzo ang walang lubay na panliligaw ng isang non-showbiz guy na anak ng isang kilalang pamilya kay Louise. Dito ay ngitngit ang ipinakikitang asal ng binata at paraan ng pagpapakita ang kanyang pagseselos. Samantalang tahimik lang naman daw ang dalaga kung ito ay nagseselos.

May mga ipinakikita nang kissing scene si Louise sa katambal niyang si Alden Richards sa weekdays primetime teleserye na My Beloved na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Although smack lang naman ang mga ‘yun at kailangan sa eksena. Hindi umano ito ang threat sa relasyon ni-lang dalawa kundi ‘yung panliligaw ng non-showbiz guy.  Maaari rin naman daw na magkaroon din sila ni Enzo ng kissing scene sa nakatakda nilang pagsasama for the first time sa isang movie, ang Basement, isang indie film na nakatakda na ang syuting nitong April. Maaaring magbakasyon muna sila nina Bea Binene sa ibang bansa na ayon sa kanya ay noon pa nila ito binabalak.

Isang pasaway na drug addict ang role ni Louise, isang challenge umano sa kanya ang role dahil wala pa siyang muwang kung paano umarte bilang isang drug addict.

“Syempre, kailangan kong pag-aaralan muna ito. ‘Di ko alam kung kailangan ko pang makita nang personal ang isang adik o baka manood na lang ako ng mga film tungkol sa isang adik,” wika ng dalaga.

May ambisyong makatapos ng pag-aaral si Grace Perido (Louise’s real name). May isang taon pa siyang bubunuin sa kursong Foreign Service. At ‘pag tapos nito ay magpapatuloy pa umano siya sa pag-aaral ng Law sa same university, Lyceum of the Philippines. Tubong-Gumaca, Quezon si Louise at ang angkan nila ay halos mga pulitiko at huwes. Kaya ‘di malayong maging isang mahusay na judge din siya balang araw at gusto rin niyang makapag-OJT sa Batasang Pambansa.

Related Post

loading...

3 thoughts on “Louise delos Reyes at Enzo Pineda, Nagkakaselosan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.