Lorna Tolentino, wala nang interes mag-asawa ulit!

HAPPY RAW si Lorna Tolentino sa pagiging Kapatid star. Bukod sa Valiente, may isa pa siyang bagong weekly TV program. Ito ay ang Third Eye, na horror ang tema.

“Columnist ang role ko. Tungkol sa mga kababalaghan ang aking isinusulat. So, involved ako sa bawat episode ng show.  Nakapag-taping na kami ng pilot episode. Every Saturday ng gabi ang airing nito. Pero wala pang final kung kailan magsisimulang mapanood.”

Mahirap daw ang kanyang role sa Valiente. Kahit ngaragan ang taping nila, hindi ito nagri-reflect sa mukha niya. Fresh pa rin ang kanyang beauty as always.

Si Lorna ang bagong karag-dagang cast sa nabanggit na serye. Ginagampanan niya ang role bilang kapatid ni Tirso Cruz III at ina ni Nadine Samonte na matagal nawala, pero sa pagbabalik ay isang mayamang negosyante na.

Naloka nga si Lorna. Kasi nang ipadala raw sa kanya ang script, biglang in just a couple of days ay taping na raw kaagad. Mahihirap pa na naman daw ang kanyang mga eksena. Ang daming mga tagpong kailangan niyang mag-monologue.

“Nakurta ang utak ko!” natatawang kuwento pa ni Lorna nang pasyalan namin sa kanilang taping sa isang rancho sa Lipa City kamakailan.

“Nanginginig ako habang nagti-taping kami. Kasi, sunud-sunod ‘yong mga monologue ko. First time ko na parang pinarusahan ako. Ha-ha-ha! Kasi ‘yong role ko na pang-two months, kinumpres at ginawang pang-two weeks.”

May offer rin daw sa kanya ang GMA-7. Pati na rin ang ABS-CBN. Pero hindi pa siya nagku-commit. Gusto raw muna niyang tapusin ang kanyang mga commitments sa TV5. Hanggang September daw ang kanyang contract sa Kapatid Network. At kung aalukin siyang mag-renew, hindi raw siya tatanggi.

Magkaibigan sila ngayon ng dating archrival niya na si Alma Moreno na naging live-in partner din noon ng yumao niyang asawang si Rudy Fernandez. Paano kung humingi ito sa kanya ng suporta sa pagtakbo nitong Senador sa darating na eleksiyon.

“Depende kung anong partido niya. Naka-commit kasi ako sa team (Puwersa Ng Masang Pilipono) ni Erap, eh. Siguro kung solo siya o independent candidate, puwede akong sumuporta.”

Hindi ba siya nabigla nang mag-announce si Alma na mula sa pagiging konsehal ng Parañaque ay pagiging Senador kaagad ang sunod na gustong puntiryahin? Marami rin kasi ang nagsasabi na masyadong maaga pa para ambisyunin nito na mapunta na Senado.

“Hindi ako nabigla. Matagal na rin naman sa politika si Ness, eh. At sabi nga niya… bigyan naman siya sana ng chance.”

Siya ba, malabong maengganyo na pumasok sa pulitika?

“In-offer na ako dati ni Tates (asawa ni QC Mayor Herbert Bautista) last election dahil kulang sila sa slot for councilors.  Pero, ayoko talaga sa politics,” sabay ngiting sabi na lang ni Lorna.

Ngiti ang unang naging reaksiyon ng aktres nang kumustahin ang status ng kanyang lovelife.

“Wala,” napapakibit-balikat niyang sabi.

“May mga apo na ako. Happy na ako na sa mga anak ko ako naka-focus. At saka sa farm namin.”

Pero hindi niya itnanggi na may mga nanligaw raw sa kanya dati. Pero talagang sa pakiramdam daw niya, ayaw na niyang muling magmahal pa o mag-asawa ulit.

“Wala na akong interes. Parang nasa isip ko, alagaan ko na lang ang sarili ko. Ituon ko na lang ang pansin ko sa aking mga anak at apo.”

Tama!

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

9 thoughts on “Lorna Tolentino, wala nang interes mag-asawa ulit!

  1. PAANONG MAGAASAWA EH NAKATALI NA SA TIBO NA ANAK NI GLORIA ROMERO!MATAGAL NA SILA! IT IS ABOUT TIME FOR LT TO ADMIT THAT SHE’S NOT STRAIGHT BUT A LESBIAN!MATANDA NA RIN SYA AT WALA NG MAWAWALA SA CAREER  NYA KUNG MAGPAKATOTOO SYA!!!

  2. Si Lolita ba ang manager ni LT? Lolit loves money kasi, harbat lang kasi ang karamihan lumabas sa bibig nya kaya yon, kumbinse blues agad si LT. Harbat is the right word. It’s all about money. Si Susan umiskapo kaagad ng inoferan ng teleserye, Walang Hanggang, kaya yon, napopular ulit si Susan, super high rating, pati si Helen Gamboa rin, super sikat ngayon dahil sa super exposure.

  3. @ Adana- halos lahat ng columnist dito sa paparazzi na ito ay nangongopya lng ng mga ibabalita… ultimo blind item..!! in short dapat ng pagtatanggalin itong mga ito! kasi wala sustansya ang sinasabe.. wala k man lng pakasasabikan na issue kasi halos ng mababasa mo dito eh nasa ibang blogs/ website na. actually comments lng nmn ang binabsa ko dito at ndi ung mga write-ups. kasi mas enjoy mag basa ng comments kesa sa ibabalita nila.

  4. Happy ka sa datung sa Singko pero happy ka ba naman sa ratings ng shows mo? Di ramdam. I’m sure super inggit ka ngayon kina Dawn Zulueta at Gretchen Barretto na pinaag-uusapan ang primetime shows nila. Kahit nga kina Susan Roces at Helen Gamboa, tiklop ka. Sorry, rich girl ang peg mo ngayon.

  5. Tito Ruben, di ko alam kung nandun ka nung ininterview si LT o kung kinopya mo lang to sa ibang write ups sa ibang showbiz website. Nabasa ko na to e. Naku LT, magbalik ka na lang sa ABS kasi nasasayang ang talent mo sa TV5. Malaki nga ang TF mo dyan sa 5, kaso, halos wala ka namang exposure kasi di pa naman ganun kalawak ang audience & market share ng TV5. Remember, sa ABS ka unang nanalo ng Best Actress for TV for Kay Tagal Kang Hinintay as Red Butterfly at markado rin ang bida-kontrabida role mo as Alondra Del Tierro sa Minsan Lang Kita Iibigin. Kung ABS ang nag produce ng Glamorosa, I’m sure nanalo ka na ng award at nag rate pa ng mataas

  6. dapat mag asawa pa din c LT. sayang nman ang panahon para magpakasaya sya. at that age eh yummy pa rin sya…pedeng pede pa sya. tlagang wala kang sasayangin dahil maasim pa sya sa datu puti….

  7. nagpakatutoo lang si LT at yan ay walang halong showbiz.. tutoong tao walang kaplastikan, napanuod ko sya sa Sharon Kasama Mo at lalo akong humanga kay LT

Leave a Reply

Your email address will not be published.