Lorna Tolentino, todo-asikaso ng binyag ng apo!

MUKHANG HINDI na nga matutuloy ang pagpapagamot ni Jolo Revilla sa Amerika dahil tuluy-tuloy pa rin ang taping niya sa My Binondo Girl.

 

Nag-text pa ang EP nila na mai-extend pa, kaya ‘yung dating schedule ng taping niya na hanggang Jan 12, mai-extend pa hanggang third week of January.

 

Kaya umalis na lang si Sen. Bong Revilla pa-Amerika na hindi naman kasama si Jolo at pati nga si Lani ay hindi na rin nakasama. Hindi rin kasi siya pinayagang tapusin nang maaga ang taping sa Amaya. Nu’ng sinabi sa kanya kung kailan ang last taping niya sa Amaya, nag-decide na itong hindi na rin siya sasama kay Sen. Bong.

 

Ang kapatid na lang yata nila na si Marlon Bautista ang kasama ni Bong na umalis pa-Amerika at babalik din daw dito sa susunod na linggo.

 

Hindi na rin natuloy ang pagpapagamot ni Jolo ng kanyang migraine. Kaya lang mukhang okay na rin naman siya ngayon at hindi na ito inaatake ng sakit niya.

 

Kinakantiyawan nga namin kasi paano ba naman, abala sa panliligaw kay Kris Bernal at mukhang seryoso naman ito. Kaya sabi ko nga baka si Kris lang pala ang makakagamot sa migraine niya.

 

Inspired ngayon si Jolo sa trabaho niya dahil may Kris na lagi niyang nakakausap, nakaka-text o tweet at minsan ay lumalabas pa sila.

 

Nu’ng nag-guest si Kris sa Showbiz Central nu’ng Linggo, inamin naman niyang may pag-asa si Jolo kung pursigido ito sa panliligaw niya kaya abangan na lang natin kung kailan sila aamin sa relasyon nila.

 

Sabi naman ni Jolo, hindi siya nagmamadali dahil aware naman siyang kagagaling lang nito sa isang break-up kaya okay na raw siyang lumalabas-labas na lang muna sila.

 

Siyempre may kani-kaniyang show sila at magkaibang istasyon pa. Kaya para sa career, mabuting in private na lang ang relasyon nilang dalawa.

 

 

NAKAKATUWANG TINGNAN si Lorna Tolentino na aligaga sa pag-asikaso sa binyag ng apo niya kay Ralph Fernandez na si Lyla Victoria. Bininyagan na nga ito nu’ng nakaraang Martes ng hapon sa Christ the King Church sa Greenmeadows at naloka ako sa dami ng mga ninong at ninang.

 

Seventy lahat ang kinuha nilang ninong at ninang na in fairness naman pawang malalapit sa kanila. Lahat naman ay miyembro ng pamilya at mga close friends nina Rudy at Lorna na close din kina Ralph.

 

Ang saya-saya nga dahil napuno ang baptistry ng Christ the King sa dami ng mga ninong at ninang na dumalo. Ilan sa mga ninong at ninang na nandu’n sa simbahan ay sina Ai-Ai delas Alas, Eric Quizon, Amy Perez, Bodie Cruz, Dra, Vicki Belo, Mother Lily Monteverde, at marami pang mga close friends nila.

 

Nandu’n din si Lani Mercado na nag-proxy kay Bong na isa sa mga ninong. Hindi nakadalo si Sen. Jinggoy Estrada pero ang anak nitong si Janela ang pinapunta.

 

Dumating din pala si Zsazsa Padilla dahil sinamahan nito ang anak niyang si Zia na isa sa mga ninang.

 

Ang dami pang mga ninong at ninang at humabol na lang sa reception.

 

Si Lorna ang pinaka-excited sa lahat dahil proud na proud ito kapag sinasabing kamukha niya ang baby. In fairness naman kasi sa bagets, ang ganda nito at mukhang kamukha nga nito si Lorna.

 

Tiyak na stage lola ang drama niyan ni Lorna.

 

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Lorna Tolentino, todo-asikaso ng binyag ng apo!

  1. Suwerte ng maging mga apo ni Lorna kasi makita mo talaga na mamahalin talaga ito ng todo ni Ms. LT. At saka pinalaki din ni Ms. LT ng maayos yong mga anak nya, Desente.

  2. baka naman ang migraine ni jolo ay sa ulo sa ibaba, kaya ng may babae ng napagbabalingan ng atensiyon, ay gumaling na agad. dapat lang maging busy si lorna sa binyag ng apo niya, ginawa ba namang negosyo, 70 sponsors sa binyag, hayyyy…

Leave a Reply

Your email address will not be published.