Lorna Tolentino, tatandang biyuda!

Naloka naman ako rito kay Alfie Lorenzo na kalalabas lang ng hospital nu’ng Lunes, tumuloy agad sa presscon ni Gilbert Remulla. Pagkatapos kinagabihan, nagpunta pa sa finals ng Picture Flawless.

Nakakaloka! Hindi naman daw siya inatake sa puso at nalamang may Emphysema raw siya pero kalalabas mo lang ng hospital, mahilu-hilo ka pa niyan, nag-iikot ka na sa mga presscon.

Tingin ko naman hindi gumastos iyan sa hospital dahil buhos daw ang mga tulong sa kanya at si Judy Ann Santos ang sumagot ng pa-hospital nito.

Eh, ako nga ilang araw lang na-hospital dahil sa kidney stones ko, hanggang ngayon talagang nagpapahinga pa ako at namimili lang ako ng mga presscon na pupuntahan.

Siyempre, tsini-cherish ko ang pagkakasakit ko dahil siyempre buhos din ang mga regalo at gibsung na ibinibigay sa akin kahit ayoko ngang ipagsabi na na-hospital ako.

Pero ingat na rin ako ngayon siyempre lalo na sa mga linalafang. Si Alfongga, nag-iingat na rin daw at ang isa sa dapat niyang tigilan ay ang paninigarilyo.

Sabi naman niya susubukan daw niyang tigilan dahil bahagi na yata ng buhay niya ang sigarilyo. Dapat maging masunurin na rin siya, ‘no!

Malaki ang pasasalamat ni Alfie kay Judy Ann dahil doon niya talaga napatunayan kung gaano siya kamahal nito. Sabi nga niya, kulang na lang siya na ang nagluwal sa aktres dahil talagang hindi lang talent-manager ang relasyon nila kundi pamilya na talaga at sobrang nag-aalala si Juday sa kanya.

Hay, naku Alfongga! Dapat mag-ingat na nga tayo, ‘no! Mabuti na lang at maraming nagmamahal sa atin. ‘Yun na!

NAKATSIKAHAN PALA NG Startalk si Lorna Tolentino sa finals ng Picture Flawless nu’ng nakaraang Lunes at natanong sa kanya kung meron na bang umaali-aligid at baka magpapadala ng flowers at chocolates sa kanya sa darating na Valentine’s Day.

Sey ng alaga ko, tingin daw niya wala, dahil wala naman daw siyang ini-entertain na manliligaw.

Kung meron mang magkainteres na manligaw, unfair lang daw sa lalaking ito dahil si Rudy Fernandez pa rin daw ang nasa isip niya.

Hindi pa rin daw nawawala sa puso at isip niya si Daboy kaya dedma pa rin siya sa may mga balak na manligaw.

Mukhang mananatiling biyuda na talaga iyang si LT dahil hindi pa rin nawawala sa isip niya ang namayapang dyowa. Lalo na’t nandiyan pa rin ang mga kagrupo niya na talagang nagbabantay sa kanya para ‘di maligawan, kaya wala na iyan, hindi na iyan makapag-asawa uli.

Sa darating na Valentine’s Day nga raw kasama nito mga kagrupo niya at mga anak nila at sila-sila na ang magkakasama sa dinner. Happy na rin niyan si LT.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

One thought on “Lorna Tolentino, tatandang biyuda!

  1. OK LANG KASI GAGNUN TALAGA PAG TALAGANG MAHAL NA MAHAL MO ANG ASAWA MO DI MUNA IPAGPAPALIT KAHIT KANINO…LOVE YOU TITA LT

Leave a Reply

Your email address will not be published.