Lorna Tolentino, nag-react na sa sampalan blues nila ni Chin Chin Gutierrez! – Ronnie Carrasco

ANG DAPAT SANA’Y maiksing pangungumusta ko lang kay Lorna Tolentino over the phone took God-knew-how-long. Pinatawagan kasi ng mga oras na ‘yon ni Lolit Solis ang kanyang alagang aktres after she (Lolit) spoke to Chin Chin Guttierez’s manager sa telepono rin.

Ipinanggagalaiti ni ‘Nay Lolit ang mapaminsalang pananampal ni Chin Chin kay Ms. LT sa isang eksena sa Dahil May Isang Ikaw. Nagtamo ng scratch si Lorna sa mukhang malapit sa kanyang mata dahil napuruhan ng singsing na suot-suot ni Chin Chin sa eksena, bukod pa sa namukol niyang bahagi malapit sa bibig.

Ayon mismo sa kuwento ni Lorna, malinaw naman daw ang direksiyon sa kukunang eksena: sasampalin siya ni Chin Chin at gaganti siya. Pero sa ikalawang pananampal daw ni Lorna ay umilag si Chin Chin, bagay na wala na sa script.

[ad#post-ad-box]

Mas naghihimutok si ‘Nay Lolit kesa kay Ms. LT. Na-guilty pa nga ang manager dahil nakaugalian na kasi niyang hindi magbantay sa set ninuman sa kanyang mga alaga. Had Lolit been there, may kalalagyan daw si Chin Chin!

But for her part, ayaw na itong palakihin pa ni Lorna. Sapat na raw ang ginawang pagri-reprimand ng istasyon kay Chin Chin nitong Martes sa mismong inireklamo niyang unprofessionalism on the latter’s part.

“Kuya Ron, apat na dekada na ako sa industriyang ito,” sey ni Lorna whom I had last spoken to during our Startalk years pa. “Respeto lang naman ‘yon sa mga co-actors mo. Kasi kung moment mo ‘to, I’ll let you shine. Pero kung masapawan kita, kasalanan mo na ‘yon. Siguro naman, modesty aside, I’ve nothing more to prove. Sa mga nalalabi ko man lang na taon dito sa showbiz, gusto kong ma-recognize ako bilang isang professional actress.”

Ramdam ko kung saan nanggagaling ang sentimyento ni Ms. LT, huwag na ang katotohanang she’s a top-caliber actress. “Susme, in due time, mare-relegate na rin ako sa mga elderly roles. Pana-panahon lang naman ‘yan, e. Pero ang gusto ko, tumanda man ako sa business na ito, nakatatak pa rin ang paggalang ko sa mga katrabaho ko,” depensa pa ni Lorna.

It can be Chin Chin, an “environmental geek” or anyone else. Puwede ring hindi si Ms. Lorna.

The fact remains, respetuhan lang ‘yan.

MAGALING TALAGA ANG Pinoy, no need to stress the obvious. Kaya naman ipinagkatiwala sa dose anyos na junior grand champion ng World Championship of Performing Arts (WCOPA) na si Rhap Salazar ng Western Union ang awiting “Galing ng Pinoy.”

A salute to our overseas Filipino workers, lalong maa-appreciate ang kantang ito this season when dollar remittances pour in torrents. May music video ito directed by GB Sampedro, an awardee of the recent Cinemalaya Festival with multi-platinum music producer Jonathan Manalo.

Wala ba kayong napapansin sa tatlong Pinoy talents na involved sa proyektong ito? Panalo!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

32 thoughts on “Lorna Tolentino, nag-react na sa sampalan blues nila ni Chin Chin Gutierrez! – Ronnie Carrasco

  1. GANUN ANG INA KAW NGA SIGE PAG MAY KAAWAY KA DI KABA IPINAG TATANGGOL NG NANAY MO SIGURO DI MO NARAMDAMAN ANG PAG MAMAHAL NG NANAY MO SAYO???
    KASI GANUN KA ALANG RESPETO

  2. helllooooooo lolit solis at lorna! un na nga matagal kana sa industriya na yan,kasama na yan sa trabaho mo!! may mga disgrasya aksidente na ganyan! ur a good actress everybody knows that! but my GOD! sa tagal mo sa industriya na ganyan di kapa nasanay! inindintindi mo nalang sana si chinchin kc mas nauna ka naman sa kanya! we dont know how much pain u got sa eksena na yun but chinchin is professional too,shes doing her job too na mapaganda lahat ng eksena na gagawin na magin totohanan,aksidente lang talaga ang pangyayari! lorna hindi ka down to earth na tao! at alam ng tao yan!

  3. hey guyzzz…zup???u have nothing to do with it…hindi nmn kau kilala ng mga pinagtatanggol nyong mga artista…so whats d used pra mag-away pa kau…better to shut up ur mouth..wahahah..peace!!

  4. iba na ang istorya ni lorna na mis understanding lang daw yung sabi nya na tigilan na pero sa totoo lang DAW talagang nasaktan sy PWE.. hayok din sa publisity at gimmick na kesyo hindi na nya kailangan dahil paroon na sya.. ano ba ang pinagmamalaki nyang award yung hinarbat ni lolit?

    tumigil mga yang bomba star na yan

  5. WAG NA KAYONG MAGTALO, BASTA I LIKE ALL THE CASTS OF DMII ESP. TIN2 AND HATE LOLIT FOR FANNING THE FIRE, UN LANG.

  6. kung si sharon o si vilma kaya ang nakasakit kay lorna, ganun din kaya katindi ang galit ni lolit??? para sa akin, di na kailangan ng gimik ang dmii dahil super ganda ng teleserye na ito!

    • AGREE! RONNIE, PAKISABI KAY LOLIT A.K.A HARBATERA NA TIGILAN NA NIYA ANG PAGBUBUNGANGA NIYA DAHIL HINDI NAMAN SIYA ANG NASAKTAN. SI ZSA ZSA AY HALOS MABINGI SA SAMPAL NI SHARON PERO WALANG INGAY NA NANGYARI.

  7. dapat alam ng isnag aktres ang salitang KONTROL, bagay na wala si ChinChin Gutierrez….I remember the time na gumawa sila ng pelikula ni Aiko Melendez, sinaktan niyang mabuti si Aiko that Aiko really needed to be rushed to the hospital…after that ayaw na gumawa ng movie ni Aiko kasama si ChinChin…Chin-Chin really has problem controlling herself lalo na kapag nasa harap siya ng kamera….

  8. Okay lang yan LT, para matauhan naman yang si Chin Chin medyo may ka-oahan sa pag-arte kaya medyo sumusobra, pero wag ka lang mawala sa DMII, grabe dami malulungkot, hindi na kumpleto DMII pagwala ka.

    Boss ko ngang lawyer sobrang galing na galing sa yo, kaya congrats, you’re really a seasoned actress

  9. tagal mo ng artista lorna.,natural lang ang eksenang ganyan mahiya ka kay chinchin!tanda mo na ang arte mo pa.buti nga may project ka.say sorry 2 chinchin kasi nanliliit ako sa kaartehan mo eh nagtatrabaho lng si chinchin.pwe!

  10. ang actor ay hindi kailangang magsabi na I HAVE NOTHING TO PROVE dahil eto ay everyday learning at nagbabago ang panahon at lahat kung ang sinasabi mo na I have nothing to prove dahil nanalo ka na ng award nung 90′ ay di na applicable yan ngayong 20th Century. lalo nga at kasagsagan ang kahayupan ni lolit sa pag mamani obra ng mga awards na yan, malay namin kung pinag haharbat lang ni lolit yan sa mga hurado ng award giving bodies. poor lt feeling nya sikat sya.

    • totoo iyong sinabi mo Tarkan. i’ve seen that movie na pinanalunan ni lorna kuno ng grandslam. at susmaryosep! hinding hindi ko matatawag na aktres ang lukaret na lorna na iyan. ngayon medyo nag-improve na siya ng konti pero i wouldnt call her a good actress.
      totoo iyan, sa bawat trabaho ng isang tao, you have t prove yourself each time kahit gaano ka kagaling. iyan pa kayang lorna na iyan na parang masakit lagi ang tiyan pag umaakting.
      feeling ni LT icon siya gaya ni Vilma.

  11. pautot na naman ni lolit ito, masyadong obvious ang style… BULOK! katulad rin nang iba nyang mga alaga lalong lalo na si pauleen luna na feeling beautiful, kaCHEPAN sa gimik!

    huwag nang isabit si lorna and chin chin because the’re doing a GREAT job! keep watching DMII!

      • wrong, lolit will protect only her interest at yun ay pera. kahit sarili nyang alaga ang masira OK lang sa kanya basta may pera sya. remember the filmfest???? at remember GMA ang nagpapasweldo sa kanya???? so kahit talent ng ABS si Lorna kung masisira nya ang teleserye nito ay win pa rin sya, Lorna will get her TF and Lolit will get her TF sa paninira sa DMII.

  12. SUS! Yung ngang STEP SISTERS dekada 1979 bida si LT and Rio Locsin, kaseksihan days nila na nakabikini and gumigiling sila sa credits–May eksena silang dalawa na sinipa sipa siya ng high heels in Rio Locsin hanggang sa gumulong gulong si LT palabas ng gate– Ba’t wala kaming narinig na ungol at reklamo? Mas grabe pa yang eksena na yan ha? Ang beauty niya nadumihan sa kalsada sa kaka-gulong hahaha kaya siya nakasuot ng itim sa eksena para di makita ang dumi! Gimmick super, di ako bibili.

  13. mabuti pa chin chin eh ibigay mo na lang kay lolit ung singsing mo na suot-suot mo nung magsampalan kayo ni LT para matigil na ang pagka oa niya. masyado siyang nago over-react!

Leave a Reply

Your email address will not be published.