Lorna Tolentino, hindi niligawan ni Willie Revillame – Cristy Fermin

DAPAT SANA’Y MAGSASALITA na ang isang personalidad tungkol sa naging miserableng buhay niya nu’ng nakaraang hagupit ni Ondoy, pero maagap ang kaibigan niyang nakalinya sa pagbebenta ng bahay at lupa, pinigilan siyang magbigay ng anumang pahayag sa telebisyon.

Lubog ang bahay ng personalidad, wala siyang nailigtas sa unang palapag ng kanyang bahay dahil tulog na tulog siya nu’ng kasagsagan ng bagyo, paggising niya ay naglulutangan na ang kanyang mga kagamitan at wala nang pag-asang mapakinabangan pa ang mga kasangkapan niya dahil ilang oras nang nakababad sa baha.

Sabi ng aming source, “Kundi pa nawalan ng kuryente at napansin niyang mainit na sa kanyang kuwarto, hindi pa niya malalaman na may nangyayari na palang kalamidad.

“Nu’ng bumaba siya ng bahay, halos abot na sa second floor ang tubig, nagulantang siya, pero wala naman siyang magawa,” sabi nito.

Walang kasama sa bahay ang pesonalidad, live-out ang kanyang kasambahay, nagpupunta lang ito sa kanyang bahay sa umaga at umuuwi rin sa hapon.

Tumawag ang personalidad sa kanyang mga kaibigan, nalaman ng mga ito ang nangyari sa kanya pero ang problema ay pare-pareho naman silang nalubog sa baha, kaya hindi sila puwedeng magtulungan.

Iniyakan nang husto ng personalidad ang naganap sa kanyang mga ari-arian, wasak na wasak ang unang palapag ng kanyang bahay, pinasok ‘yun nang napakakapal na burak at buwan pa ang bibilangin bago bumalik sa dati ang itsura nito.

Kumalat sa showbiz ang kuwentong lumubog ang bahay ng personalidad, pero walang anumang video na lumabas, hindi rin siya nagpainterbyu sa anumang news program.

Ang dahilan, isang kaibigan niyang nagba-buy and sell ng bahay ang nagpayo sa kanya na manahimik lang, huwag na huwag siyang magsasalita tungkol sa bangungot na hatid ng baha at bagyo, dahil mahihirapan na silang ialok-ibenta ang bahay sa mga interesadong magdagdag ng propyedad.

“’Yun ang payo sa kanya ng friend niyang broker, huwag na huwag siyang magkukuwento tungkol sa nangyari sa bahay niya nu’ng baha, dahil maibenta man nila ang house and lot, babaratin lang ‘yun.

“Ipinaaayos na nila ang bahay ngayon, total renovation ang kailangan, dahil talagang winasak ‘yun ng baha. Meron na silang buyer, titingnan na ang bahay next week pagdating nu’ng buyer mula sa Amerika, walang alam ‘yung bibili na ang iniaalok na bahay sa kanya, e, pinasok pala ng baha na lampas-tao,” kuwento ng aming impormante.

Magaling na singer ang may-ari ng bahay, may kani-kanyang bahay na ang kanyang mga anak na artista rin, kaya siya na lang ang mag-isang nakatira sa dati nilang bahay sa isang kilalang subdivision.

MABUTI NAMAN AT nilinaw na ni Lorna Tolentino ang kalokohang isyung lumabas na diumano’y pinadalhan daw siya ng bulaklak at chocolates ni Willie Revillame.

Sa pagpapaliwanag ni LT ay halatang-halata na wala siyang interes sa kuwento, inamin niyang magkaibigan na sila ni Willie kahit nu’ng nabubuhay pa si Rudy Fernandez, pero ang kanilang pagkakaibigan ay hindi kailanman nahaluan ng ligawan.

Kung tutuusin ay wala naman talagang ganu’ng senaryo, hindi nililigawan ni Willie ang aktres, kahit sa biro lang ay hindi naman nagparamdam sa kanya ang host ng Wowowee.

Ang pinag-ugatan ng isyu ay si Kris Aquino, ito ang nagpahayag sa ere na nililigawan daw ni Willie si LT, isang istoryang produkto lang ng taklesang bibig ng aktres-TV host na parang nilangisan ang dila sa kadulasan.

Sanay na naman ang publiko kay Kris, magsasalita ito ng kung anu-ano sa ere, pagkatapos ay saka ito magso-sorry.

Sana’y maisip din paminsan-minsan ni Kris na sa sobrang pagwawala ng kanyang dila ay maraming tao ang naaapektuhan, may mga magkakaibigang nagkakailangan na tuloy, dahil sa wala sa tiyempo nitong kadaldalan.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

18 thoughts on “Lorna Tolentino, hindi niligawan ni Willie Revillame – Cristy Fermin

  1. adik yang si wiili.
    sa sex, drugs, fame, power, girls

    _____________
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    areyouhorny.net
    _____________

  2. Bingo, there’s no doubt na effective na host si Kris, pero Ang Hindi maganda ay parang wala siyang respeto sa co hosts at guests niya. She interrupts them while they’re talking and it seems na she’s the guest because she’s the one saying a lot of things, non sense at making yabang like bragging on everything and making side comments. She should wait for others to finish up. She’s irritating and annoying. It just show that she didn’t learn the concept of being a host. I am not attacking Kris as a person, but her behaviour. Peace

  3. Hindi po ako bayaran ni Kris Aquino. In all honesty, I used to watch the Buzz just to be entertained but when that brouhaha between Cristy and Nadia happened, I stopped watching it. I only began tuning to ‘The Buzz’ again when Cristy was no longer part of it. I don’t know Cristy F. and Kris personally so there’s no reason for me to hate Cristy F. I just don’t like the manner Cristy F attacks showbiz personalities thru her columns. For the record, I was just kidding when I said na ” kung if she said na may langis yung dila ni Kris, siya kaya grasa?” Peace!

  4. Bingo, si Cristy ok Lang Kung grasa Ang bibig, kasi puro katotohanan naman sinasabi niya, naiinis ka Lang dahil you don’t like her personally, pero you’re wasting your time reading her article, it means, in the back of your mind, you find her articles interesting and you can’t resist it and the rest of her detractors. You should stick to the topic, this is not about Cristy, obvious tuloy na Kris fan ka, Baka bayaran ka rin Kris, right? Kris should listen and learn from others. She should be humble.

  5. sour-graping lang itong si Cristy F. Buti na lang wala na sya sa ‘ D Buzz ‘ Noon si Gabby tinitira nya. Eh kung may langis ang dila ni Kris… siya kaya? grasa? LOL

  6. To Hello, Kung nakasampa man kaso, for sure nothing will happen, kasi nadia won’t pursue it, totoo kasi. Tanong mo man NM

  7. itong c cristy, gustong isisi lahat kay kris..

    cge na cristy, c kris na ang dahilan ng lahat, pati sa bagyong ondoy at pepeng c kris ang dahilan kaya pumunta ang mga bagyong ito sa pilipinas… c kris may kasalanan kay may world crisis… ano cristy.. happy ka na?

    im not a fan of kris, pero over ka na sa write-ups mo against kris… super duper kang mag praise kay willie pero pareho nmn kayong walang kaluluwa… im not a willie-hate huh, pero para kasing gusto mong iparating sa write-ups mo na parang santo ito si willie na hindi nmn….

    buti pa pakabait ka na cristy, kaya pala hindi ka na pinabalik sa abs kasi wala kang kaluluwa… buti nah lang hindi tinolerate ang abs ang kagagahan mo..

  8. ay nku cristy kung gaano mo pinupuri c willy araw araw ganun mo din nman tinitira c kris daily.. yung mga taong involve nga c lorna at willy deadma lang ikaw ano karapatan mo kundinahin c kris walang personalan mlaki pa rin ba galit mo sa kanya.. dami mo kgalit grabeh..

  9. Kasalanan talaga ni KRIS yan at syempre maniniwala ang tao sa sinasabi nya at sa huli mags-sorry sya. Pero the damage is done. Nasira na mga taong concern.

    At ilang beses ko na rin narinig kay Willie sa WOWOWEE pag tinatanong nya age nung cute na audience pag nasa 19 years old and above na, ayaw na nya gusto nya nasa 18 years old kaya malabo talga yun. Eh ang tanda na ni LORNA.

    pero kahit ganun si Kris love ko pa din sya. Kasi kakaiba ugali nya mas exciting panoodin.

  10. Kris probably thinks that she’s the unofficial spokesperson , of Willie, maybe just to prove to filipino people that she’s really close to him, in that regard, willie’s fans will vote for noynoy. Hindi nga nag iisip basta makapagsabi lang ng bagay na pwede siyang pag usapan and insensitive to other people’s feeling. Cristy might be taklesa, but it seems that she always has the right informations from credible people, look at Aubrey Miles, it turned out that it was true. When she told about Nadia’s case, i believe that it’s true, if not, nadia will definitely sue her and won’t stop until she sees cristy in jail, all of a sudden she became quiet and didn’t bother at all about the accusations. Let’s face it, whether Cristy has TV show, or not, she remains popular to most of credible and popular stars and her readers remains loyal like you people making comments about her.

  11. There is no way that this person and her broker can hide the fact that the house was flooded. We here abroad are aware of what happened during the onslaught of Typhoon Ondoy. We have media coverage and we are also familiar with the areas that got the worst flooding. I will surely ask first, if I were to buy a property in the Philippines, how high the water level was. Alam na alam namin rito kung saan ang lugar na malubha ang sinapit. Hindi puwedeng itago nang maski sino.

  12. hoy peramin! e ikaw diba taklesa at madaldal ka rin sa tv oopps napatalsik ka na pala sa tv show mo dati bleh!
    sa radyo at kahit sa column mo ganun ka rin naman a mapanira sa mga artista na ayaw mo dahil wala kang natatanggap ng datung galing sa kanila!

Leave a Reply

Your email address will not be published.