Lorna Tolentino, dismayado sa Singko?!

ISANG TAON lang daw pala ang pinirmahang kontrata ni Lorna Tolentino sa TV5, kung saan may kasalukuyang soap opera siya, ang Glamorosa with Alice Dixson.
Pero gaano katotoo na disappointed diumano ang premyadong aktres dahil bukod sa 30 minutes na lang daw ang kanilang soap, late na late na raw ito kung umere?
Dahil d’yan, looking forward kaya si LT na mag-end na ang kanyang contract sa Kapa-tid Network at magbalik-Kapamilya na lang?
Bukod d’yan, true rin kaya ang tsika sa amin na insecure daw kay Lorna si Alice sa hindi malamang dahilan?

GINANAP NITONG Lunes lang ang grand inauguration at blessing ng Taal Imperial Hotel & Resort ni Mother Lily Monteverde sa Taal, Batangas na pinaunlakan ni Gov. Vilma Santos-Recto ng nasabing lalawigan.
Matapos ang blessing bandang alas dose ng tanghali, nakisalo agad sa pananghalian at naki-tsika sina Mother Lily at Ate Vi sa mga showbiz press at ilang beteranong talent managers.
Kitang-kita sa mukha ng Star for All Seasons ang pagkasabik n’yang makita muli at makakuwentuhan ang mga kaibigang writers/reporters at talent managers.
Aliw na aliw si Ate Vi sa mga latest tsismis sa apat na sulok ng showbiz na narinig n’ya.
Nabanggit ni Ate Vi sa amin na dinalaw n’ya raw last Saturday sa Mabini, Batangas ang kanyang panganay na si Luis Manzano na nagda-dive kasama ang kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Natutuwa si Ate Vi kina Luis at Jen dahil magkapareho ng interes ang dalawa.
Ang pag-dive kaya ng dalawa nu’ng nakaraang Sabado ang dahilan kung bakit nagkasakit si Jennylyn, kaya sa Showbiz Central na lang ito nakasipot nu’ng Linggo, hindi na sa Party Pilipinas?

TRUE KAYA ang tsikang nakarating sa ‘min na bukod sa naudlot na pelikula ng dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, hindi na rin umano matutuloy ang guesting sana ng huli sa concert ng una at ni Martin Nievera this month?
Guest din daw sana sa concert ang ex-wife ni Martin na si Pops Fernandez.
As of writing this, hindi namin sure kung magge-guest pa rin ang Concert Queen since hindi na nga raw tuloy si Gabby.
Ang dinig kasi namin, ang concept sana ng concert ay parehong guests ang mga dating asawa ng Megastar at Concert King para mas maging exciting ito.
Ano nga kaya talaga ang tunay na dahilan, bukod sa naunang rason na lumabas, kung bakit hindi na matutuloy ang balik tambalan nina Ate Shawie at Gabby sa pelikula maging ang guesting ng aktor sa concert?

 

ANG TABA pala ni JM de Guzman sa pelikulang Pintakasi na produced ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Although kahit mataba pa ro’n si JM, magaling s’ya talagang umarte, kahit hindi pa s’ya sikat nu’ng mga panahon na sinu-shooting ‘yon three years ago.

Kasama rin ni JM sa Pintakasi si John Wayne Sace na s’ya talagang bida sa pelikula at si Erich Gonzales na ang comment ng isa sa co-stars nila ay medyo flat pa diumano ang kanyang dibdib noon.

Ang anak ni Gov. Imee na si Borgy Manotoc ang in charge daw sa marketing at merchandise.

Willing daw ang gobernadora na mag-co-produce ng pelikula with Kris Aquino in the future since nagko-co-produce na rin ang huli sa kanyang mga nakaraang pelikula.

Ang tanong: payag din kaya si Kristeta na mag-co-produce with Gov. Imee?

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

21 thoughts on “Lorna Tolentino, dismayado sa Singko?!

  1. Ikaw Winde wala kang gawang mabuti kundi manira ng kapwa, ikaw ang isa sa tinatawag na “crab mentality”, binabagsak ang isang tao na wala namang ginawang masama saiyo, typical trait of some pinoys. Eh huwag kang manuod ng show ni willie, dahil sa kagandahang loob ni willie (wala namang perfect na tao isa ka na doon) daming biyaya na dumarating sa kanya. Inggit ka lang kasi may eroplano. 2 yate, mall, mansions at marami pang iba ang pagaari ni willie. kung ayaw mo si willie huwag ka na lang manood. period

  2. walang binatbat yang glamorosa mo sa singko duon sa mga teleserye mo sa kapamilya ms. LT,
    di ba naman ang dami mong awards duon sa mlki sa galing mo bilang  allondra trending ka pa sa twitter.eh dyan natapos na teleserye mo di man lang naramdaman.marami ka ngang trabaho dyan wala namang kwenta.huwag na.sayang ka taalaga at iniwan mo abs cbn.esep esep kasi.huwag kang mag-alala welcome ka pa rin sa kapamilya dahil duon ang tahanan ng magagaling at duon ka nararapat.

  3. di pa naman huli, pwede kapa bumalik sa kapamilya LT one year lang naman ang kontrata mo dyan sa singko, balik ka na agad at ng maibalik ang star value mo sayang kasi ang galing mo pa naman.

  4. lipat lipat pa kc sa walang kwenta tv5 nayan..naubos kc oras nila sa Hari ng YABANG Willie mayabang nayan..pilit pa pinapabango ni  LucyFErmin ang MABANTOT na Willieng yan..palibhasay pariha sila mga mabantot ang mga bunganga..mga basuraaaaaaaaa

  5. kasi naman po yung mga not so young na stars na kahit sikat pa e wag na mag inarte dahil papalipas na din naman sila. di makuntento sa kung nasaan sila..ang mahalaga naman e may bayad sila.

  6. world class talent ka nga LT pero hinihila mo ang sarili mo sa basura.Sino sino lang ba ang makakasama mo dyan sa tv5 kundi mga wlang kwentang talents?masasayang lang ang talent mo dyan.ikaw din!wag mong sayanig ang talent mo dyan.bumalik ka na sa kapamilya kung may natira ka pagpapahalaga sa sarili mo.

  7. Pinapanuod ko lahat ng teleserye ni Ms. Lorna sa kapamilya.pero di ko pinanuod ang glamorosa mo sa singko.
    Hintayin namin ang pagbalik mo sa kapamilya Ms. Lorna at promise panuorin ko talaga mga teleserye mo.

  8. hindi ka level ni Ms. LT si Alice Dixon di hamak na ang daming achievements ni Ms. LT
    sana man lang maisipan ni Ms. LT magbalik sa KAPAMILYA.duon dapat ang galing nya.

  9. Parang ungas naman tong si NOSTRA FOLLOWER..makapag-comment lang kahit walang katuturan. ang ungas pa mag-english. Boblax na papapampam pa

  10. ingles kasi ng ingles wala namang alam. mali mali ang grammar, loka loka, magtagalog ka na lang kasi.bakit kasi nagpapakasosyal eh halata namang katulad ko ring kumakain ng galunggong at sardinas, magpakatotoo na lang kasi!!!!!

  11. Ano itong THERE WAS A STRONG QUAKE? WAS? Ibig sabihin TAPOS NA! Gaga! Isoli mo yung diploma mo sa Grade One teacher mo!!!! Walang kakwenta kwentang pakulo…Siguro nagyayanig sa loob ng kokote mo!

  12. it was really a wrong move when LT signed a contract to TV5. you go back to ABS-CBN dahil duon ikaw ang magsasawa sa kakatrabaho at sikat ka pa sa buong mundo kung saan may TFC. di man kasing laki ng kita mo kesa sa TV5 marami kang extra na kikitain dahil sa endorsement at ibang shows in and outside the country.

  13. patay nba ang original shebie? LOL
    Anyways, balik Kapamilya kna lng Ms. LT. Sikat ka nga, malalaos ka lng jan.  Wlang kwenta jan sa TV5. Tignan mu kahap0n, sign na namumulubi c MVP, kya patay-sindi ang drama ng MERALCO. I smell Bankrupt! hahaha

  14. hinde mataba si jm de guzman ikumpara mo ba namn kay john wayne sace na adik eh kahit si pepe smith magmumukhang chubby pag itinabi mo john wayne ….

  15. bumalik ka na nga lang sa kapamilya lorna dahil hindi naman nakilala yang glamorosa mong soap, 2 months lang ata yan? ni hindi tumatak ang show na yan. please lang. paano ka nga naman makakapagtrabaho ng maayos kung may insecuran sa isa’t isa? naku naman!

  16. ano po yung nasagap nyong tsika? insecure kay lorna si ms. alice? oh, come on!!! baka it’s the other way around!!! sino ang disappointed according to the article???sino ang nagbabalak lumipat??? at sino ang may bagong project agad sa tv5? at any rate wala naman dapat mainsecure sa kanilang dalawa. lorna in her 50’s ay marami na ring achievement so ngayon pwedeng sa farm na lang siya muna maging abala…Alice in her 40’s ay marami na ring achievements, both in her  personal and professional…and so far she’s enjoying the best of both worlds- marriage and career…

Leave a Reply

Your email address will not be published.