Lorna Tolentino, ‘di na babalik sa naunsyaming show ng TV5

Lorna-TolentinoMAY PAG-ASA pa bang umereng muli ang Misterless Misis sa TV5? One thing’s for sure: Lorna Tolentino will no longer be part of it.

Creating quite a stir in the industry ang hindi naman kanselasyon ng naturang palaras, kundi ang pagpapahinto sa pag-ere nito when MM already aired its first two episodes. Kasama si Ms. LT sa principal cast along with Gelli de Belen, Ruffa Gutierrez, etc. sa bagong programa ng TV5 with three other episodes already in the can.

Kaagad naglabas ng official statement ang Kapatid Network, assuring its audience na mapanonood pa rin ang MM, it’s just that reprogramming measures had to be taken.

Tinanong namin ang manager ni Ms. LT na si Lolit Solis kung ano ang balak ng kanyang alaga, to which she replied, “Huwag ang balak ni Lorna ang tanungin mo, kundi kung ano ang balak ko.”

Simple lang ang game plan ni ‘Nay Lolit: ang huwag nang pasiputin ang mahusay na aktres ‘pag nag-resume ang taping ng MM.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJennylyn Mercado, aminadong ‘di marunong mag-judge
Next articleCoco Martin, lagare sa promo ng bagong serye

No posts to display