Lorna Tolentino, ‘di itinatanggi na siya ang nagpakilala kay Janet Napoles kay Sen. Jinggoy Estrada

Lorna-Tolentino Lorna-TolentinoHINDI NAMAN itinanggi ni Lorna Tolentino ang sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada na siya ang nagpakilala kay Janet Napoles nu’ng 2008.

Taliwas ‘yan sa sinabi ng bagong testigo ng pork barrel scam na si Ruby Tuazon na siya raw ang nagpakilala kay Sen. Jinggoy nu’ng 2004.

Hindi naman umiiwas si Lorna na magpa-interview dahil hinahanap siya ng mga reporters para magkomento rito. Kaya lang nasa farm niya siya nagpapahinga dahil wala pa naman siyang ginagawa.

Ako na muna ang nagsalita nu’ng naharang ako ng mga TV reporters para magkomento tungkol dito.

Kasi naman nalaman ko naman nu’ng namatay si Rudy Fernandez nu’ng 2008 na sa Heritage Memorial Park nga siya ibuburol at ililibing. Eh, du’n din pala nakalibing ang mga magulang ni Jenny Napoles kaya nakipagkilala ito kay Lorna.

Magiging kapitbahay daw ni Daboy ang mga magulang niya na merong mausuleo Roon.

Ako naman nu’n ko pa nakilala si Jenny kaya tsika tsika na kami nu’n.

So, du’n nga sila nagkakilala nang husto ni Lorna dahil ito namang si Jenny nag-sponsor ng isang dinner doon sa burol. Kaya siya ang nagpakilala kay Sen. Jinggoy,

Pati sa first death anniversary ay nag-sponsor din yata si Jenny ng dinner kaya Roon sila nagkakakita ni JInggoy. Kaya parang mali naman yata ang ibang sinasabi nitong bagong testigo nila.

Siyempre, hindi naman ipahahamak ni Sen, Jinggoy si Lorna, pero ‘yun naman talaga ang totoo, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Lorna Tolentino, ‘di itinatanggi na siya ang nagpakilala kay Janet Napoles kay Sen. Jinggoy Estrada

Leave a Reply

Your email address will not be published.