Lorna Tolentino, daig pa ang sweet 16 sa dami ng manliligaw!

NAKAKALOKA SI LORNA Tolentino, parang 16 years old na binabantayan ng mga kapatid niyang lalaki para hindi maligawan ng mga kalalakihan!

‘Yan ang nangyayari ngayon dahil meron na raw umaali-aligid sa kanya na type siyang ligawan.

Nu’ng pumunta sila sa Middle East, meron yatang nabighani kay LT roon, pero hindi ko lang sure kung Pinoy o Arabo.

Kasama kasi ni LT roon si Sen. Jinggoy Estrada at sinabi nga nitong malabong makaporma sila sa biyuda ni Daboy dahil nandiyan daw silang nakabakod pa rin para hindi ito maligawan.

Sabi nga ni Jinggoy sa presscon ng Bente nu’ng Linggo, kung sino man ang nagkakainteres na ligawan si LT, marami raw silang pagdadaanan. Bukod kay Jinggoy, nandiyan si Sen. Bong Revilla, Phillip Salvador, at kahit si Mark Anthony Fernandez ay very vocal na hindi raw puwedeng ligawan ang Tita LT niya.

Si Lorna naman, malabo na nga yatang makakita ng ipapalit kay Daboy, dahil bukod sa marami siyang ginagawa at nandiyan ang mga anak niya, aligaga pa rin siya sa pag-aasikaso sa musoleo na ipinatayo niya para kay Daboy.

Kapag walang trabaho, nandu’n siya kaya walang panahon iyan na mag-entertain ng mga manliligaw.

Pero in fairness naman kay LT, maganda pa rin ito at lalo pa nga yatang gumaganda kaya hindi malayong maligawan talaga ‘yan!
Ikinuwento na rin pala ni Sen. Jinggoy na balak nilang gawin ang part two ng Katas ng Saudi.

Nag-uusap na raw sila ni Direk Joey Reyes para simulan na nito ang paggawa ng script. Napag-usapan na rin nila ito ni LT, pero wala pa tayong ideya kung kailan ito sisimulan. Bukod kasi sa Senado, abala pa rin si Jinggoy sa pelikula niyang Bente na showing na ngayon.
Kasama ni Jinggoy rito si Richard Gomez na naging bestfriends na niya ngayon, ha!

HINDI PA RIN tiyak ang sagot ni Richard Gomez kung tuloy ba ang pagtakbo nitya bilang congressman ng 4th district ng Leyte.

Malaki ang impluwensiya ng asawa niyang si Lucy Torres dahil lagi nitong sinasabi kay Goma ang problema sa Ormoc.

Tuwing weekend nga, nasa Ormoc si Goma dahil nakikipag-usap na ito sa mga taong may kinalaman sa pagtakbo niya kung sakali, at tinitingnan nga nito kung ano ang maitutulong nito sa lalawigang ‘yun.
Bago raw namatay si Douglas Quijano, napag-usapan na raw nila ito at may blessings naman daw ito ng namayapa niyang manager.

Kaya mukhang tuloy na nga ito pero ayaw pa lang muna ni Goma na tiyakin sa ngayon at baka may mga pagbabago pa.

Dati nga, lagi niyang sinasabing wala na siyang balak na pasukin muli ang pulitika. Pero ngayon, nabago na kaya tingnan na lang natin kung ano ang kasunod.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Lorna Tolentino, daig pa ang sweet 16 sa dami ng manliligaw!

  1. Lorna deserves to be happy. At sana patuloy na maging maayos ang buhay niya kahit wala na sa mundo si Daboy. Basta, for me the Rudy Fernandez and Lorna Tolentino love team is the greatest team-up reel or real ever in Philippine cinema.

Leave a Reply

Your email address will not be published.