Lorna Tolentino at Zsa Zsa Padilla, iisa ang kapalaran!

PAREHO ANG sinapit na kapalaran nina Lorna Tolentino at Zsa-Zsa Padilla tungkol sa hindi napapanahong pagyao ng kanilang mga mahal sa buhay na sina Rudy Fernandez at Mang Dolphy. Aminado ang dalawang magandang aktres na nawala sa kanila sina Daboy at Pidol sa mga panahong ang dami-dami pa nilang magagandang plano sa buhay nila. Ganu’n na rin ‘yung sitwasyon na habang nadadagdagan ang kanilang mga edad ay lalong naroon ang init ng kanilang pagmamahalan.

Si Zsa-Zsa na ang tumanggi na humantong pa sa kasalan ang pagmamahalan nila ng yumaong Comedy King. Dahil nu’ng libre na siyang magpakasal, lumulubha na ang daddy ni Eric Quizon sa kanyang mga karamdaman. Pinanindigan ni Mang Dolphy ang kanyang mga sinalita noon, na sana’y si Zsa-Zsa na ang huling babae sa kanyang buhay. Noong mga huling taon ni yumaong Daboy ay tanggap ni Lorna na lapitin talaga ng mga babae ang kanyang husband. Pero maru-

nong siyang mag-timpi ng galit, dahil siya naman ang pinakasalan ng action star.

Parehong ma-gaganda at seksi pa rin sina Lorna at Zsa-Zsa. Kaya ngayong mga biyuda na sila, hindi maiiwasang maintriga ang mga kalalakihan na pagplanuhan silang ligawan. Sobrang sariwa pa sa kamalayan ni Zsa-Zsa ang pagpanaw ni Mang Dolphy, kaya puro masasayang alaala pa rin ng kanilang pagsasama ang kuwento niya ngayon. Si LT ang sobrang matatag sa kanyang mga salita, na hindi siya kumportable sa usapang magpaligaw ulit. Busog din kasi siya sa masasayang alaala ng pagiging mag-asawa nila ni Daboy, at ngayong mayroon na siyang apo ay ito na ang bagong pinanggagalingan ng kanyang kaligayahan.

 

MABILIS TALAGANG maga-nap sa showbiz ang hiwalayan. Itong biglang pagsambulat ng pag-amin nina Lian Paz at Paolo Contis na hiwalay na sila ay hindi na rin nakakagulat. Maging si Manay Lolit Solis na talent manager ni Paolo, noon ay nagsabing ang tingin niya kina Lian at Paolo ay hindi magtatagal bilang magkarelasyon.

“Pero nagulat nga ako, dahil nagkaanak sila, hanggang sa magpakasal. Sabi ko na lang, mali siguro ang hula ko. Kumbaga, mahirap maghusga. Susme! Hayan, kamukat-mukat mo ay maghihiwalay rin pala,” wika ni Manay Lolit.

Hindi talaga garantiya na sa simula ng isang relasyon, parang si Paolo Contis ang mga lalaki sa showbiz, na akala mo ang tingin sa kani-lang relasyon ay isang reyna, na pipiliin nilang makasama habambuhay, pero ang pagmamahal ay kukupas din naman. Mahigit anim na taon ang naging relasyon nina Angelica Panganiban at Derek Ramsay, pero bigla rin silang naghiwalay. Nagtagal din sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz kahit laging may peligro ng hiwalayan noon sa kanilang relasyon. Pero sa huli, nagkahiwalay rin nga.

Magandang pareha noon sina Bianca Gonzales at Direk Lino Cayetano, pero nagkahiwalay rin. Akala mo noon ay magkakatuluyan din sina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo, pero ang ending ay kay Robin Padilla nakasal si Mariel at si Bea Alonzo na ngayon ang karelasyon ni Zanjoe. Bigla ring nagkahiwalay sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli.  Nakakainggit si KC Concepcion nang maging karelasyon niya si Piolo Pascual, pero nagkahiwalay rin sila. Kaya huwag namang pangunahan ay magugulat pa ba tayo kapag biglang nagkapro-blema sa kanilang relasyon sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano, pati na sina Angel Locsin at Phil Younghusband o sina Melissa Ricks at Paul Jake Castillo?

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Lorna Tolentino at Zsa Zsa Padilla, iisa ang kapalaran!

  1. Kapal naman ng mga nagmamarunong dito,may pinag-aralan ba ang mga to????!! FYI unang asawa si Ms. LT ni Rudy Fernandez at bata pa lang si Ms. LT patay na sa kanya si Daboy!
    Mga walang magawa sa buhay kundi mag-imbento ng kasinungalingan ang mga beki dito! Kaya laging binabagyo ang pilipinas!

  2. Oy Mr Bautista si Lorna Tolentino eh pangalawang asawa lang ni Rudy Fernadez at kasal pa mismo samantalang si Zsa Zsa Padilla eh pang anim atang kinabit ni Dolphy at inanakan at si Zsa Zsa eh may tunay na asawa na kinaliwa nya. At sumama lang kay Dolphy napakalayo ng sinasabi mong parehas lang ang kapalaran . Si Rudy namatay sa Kanser at si Dolphy namatay sa Hika at katandaan. Si Lorna eh walang problema sa mga anak .

Leave a Reply

Your email address will not be published.