Lorna Tolentino at Tonton Gutierrez, may mga kundisyon bago tinanggap ang alok ng TV5!

INAAYOS NA NGAYON ng TV5 ang drama series na gagawin nila para kay Lorna Tolentino.

Kasama rin dito ang isa ko pang alagang si Tonton Gutierrez na ngayon pa lang ay sinasabi na niya sa aking mga light role lang daw ang gagampanan niya. Ayaw na raw niya ng sobrang heavy dahil napagod daw siya nang husto sa ginawa niya sa Minsan Lang Kita Iibigin.

Minsan nga, napag-usapan namin, kinukumbinsi ko siyang bumili na ng bahay dahil nakapag-ipon na rin naman siya. Puwede na niyang iutang sa bangko ang iba, ‘di ba?

Naku ayaw niya dahil ayaw daw niyang ma-stress pa nang husto. Nakaka-pressure daw ang may utang kaya okay na sa kanya ang bahay niya ngayon, kahit lumalaki na ang anak nilang si Aneeza at magkakaroon na sila ng panibagong baby.

Kaya nga raw pati sa mga role na ginagampanan niya ay gusto na rin niya ‘yung magaan lang kahit support lang dahil  sa edad daw niyang ‘yun, dapat wala nang pressure o stress at baka maging sanhi pa iyan ng Cancer, ‘di ba? May point naman ang hitad kaya hinayaan ko na lang.

Ang isa pang gusto niya, mahirap ang role para hindi na siya mamumroblema ng susuotin. Kaya ‘yun ang mga kundisyones niya bago nito tinanggap ang offer ng TV5.

Si Lorna naman ay gusto niya mabasa muna ang script. Mag-usap daw muna sila ng direktor na si Eric Quizon para alam niya kung ano ang takbo ng kuwento at kung ano ang significance sa kuwento ng role na ginagampanan niya.

Ganyan na ngayon ang drama nila pagkatapos ng napakabigat at in fairness, maganda namang teleserye nila sa ABS-CBN 2 na Minsan Lang Kita Iibigin.

Medyo madugo raw itong bagong series na gagawin sa TV5 na may tentative title na Glamorosa kaya pinaghahandaan nila ito nang husto at pinag-aaralan ang bawat karakter sa kuwento.

Hindi naman hinahangad ni Lorna na maging kasing-ganda ng huli niyang ginawang Minsan. Pero sana maganda naman at kapani-paniwala ang kuwento.

 

DAGSA ANG MGA Kapuso stars sa ginanap na World Press Tour ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez. Ginawa ito sa Quirino grandstand at punung-puno ito ng mga tao. Nagkaroon sila ng Oath of Sportsmanship na sinaksihan ni Bob Arum siyempre.

Doon na rin sa Quirino ginanap ang Manny, Many Prizes at marami silang mga taong pinasaya dahil bumaha na naman ang mga regalo at datung na ipinamudmod ni Ninong Manny.

Pagkatapos ng promo tour nila rito sa Pilipinas, sa Los Angeles, California daw ang susunod nila, at sa Mexico na teritoryo naman ni Marquez.

Sa totoo lang, kahit doon sa Mexico ay marami pa ring fans si Pacquiao kaya ramdam ko na namang lyamadong-lyamado ang ating Pambansang Kamao.

m�; 0p�c��:�ight: normal’>OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!! To the maximum authority of chikka ng yours truly at talaga namang hindi mo alam kung kaiinggitan ka ng mga taong walang magawa at ‘di mo alam kung bakit ganu’n ka na lang plastikin. Anyway, ayokong masira ang Monday blues ko, alam n’yo na kung ano ang mga tinutukoy ko, dahil wala naman akong nagawa sa kanila… hahaha!

 

Kaya naman, don’t make your Monday a blue Monday dahil ang mga chika na talaga naman, nasa sa inyo na ‘yun kung ano naman ang magiging reaksyon n’yo!!!

Kumustahin naman natin ang naging relasyon dati ng mag-dyowang si Jennylyn Mercado at Patrick Garcia at mawiwindang ka sa mga naging eksena nila sa mga chikka. At in fairness naman ngayon kay Jennylyn, kung kani-kanino naman talaga siya nali-link after the isyu nila ni Patrick, at nagyon ay nararamdaman naman ng mga kaparazzi natin na posibleng magkabalikan ang dalawa. Kasi pumayag na si Jennylyn na gamitin na ang surname ni Patrick.

At naku in fairness naman sa kanila, sweet na sweet silang dalawa kapag nagkikita sila. Naku, kaya lang ang matutuwa rito ay si Alex Jazz, kung totoong magkakabalikan ang dalawa.

Malamang kasi, hindi pa rin naman nagpapahayag si Jen na may something sila ni Luis Manzano. Kaya lang siyempre, nu’ng unang isyu nila ay parang hindi tanggap ni Patrick ang bata, pero siyempre hindi dapat ma-involve ang bata rito sa kani-lang dalawa.

At siyempre, pag-usapan na lang nila nang maayos ngayon. Ang sabi naman ni Patrick, forgive and forget na raw ang mga naging eksena nila, kaya naman talagang masasabi mo naman talaga na may posibilidad silang magkabalikan dahil nagkakamabutihan sila ngayon ni Jennylyn. Siyempre hindi mo rin siguro maiiwasan, kasi nga tatay rin naman ng anak niya ‘yun at walang imposible…

Malamang, mga kaparazzi, antay-antayin na lang natin kung ano ang magiging resulta ng pagkaka-mabutihan nila ngayon?

AT HETO NAMAN ang mga chikka natin ngayon na talaga namang hindi na rin mawawala ang tampo ngayon ni Sharon Cuneta kay Aga Muhlach, at parang may laman talaga ang mga sinasabi niya kay Aga na kahit naman siguro sinasabi niyang wala siyang tampo, pero para talagang meron pa.

Naku naman, ano naman kaya ang resulta nito. Kaplastikan lang kaya o talaga namang kaya may something, haha! Pero siguro naman, talaga namang mabigat ang naging puno’t dulo ng tampo ni Ate Shawie kaya hindi natin masisi ang mga eksena…

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman itong aktor na ito na talaga namang napakaguwapo, kaya naman sinasabi ko nga noon na wala nang lalaki sa mundo kung magiging ‘di tiyak itong aktor na ito?

Naku, ‘te… hindi ko rin lubos-maisip kung trulili. Pero mapapatunayan naman natin ‘yan dahil ang aking mga kaparaz-zing bading ay na-sight ito sa mga gay bar na talaga namang lumadlad. Hindi lang basta-basta gay bar iyon, tambayan rin naman talaga ng mga pa-mhin ‘yun. Hahaha! Ano’ng say n’yo? True o wit? Hahaha! Abangan na lang natin, te… lumadlad na lang siya o wit?

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Lorna Tolentino at Tonton Gutierrez, may mga kundisyon bago tinanggap ang alok ng TV5!

  1. chossssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssssss

  2. @mark,
    pag sinabi mo “one the finest actress”, it should be “one of the finest actresses” because you are describing a person that belong to a group. i have noticed that in a lot of interviews from young celebrities. it seems that english has taken a back seat in the current curriculum in the Philippines. it is sad because even though i came from a public school in Pasay City, we were taught the right way. no offense meant mark, just making sure that part of your lingo is avoided.

  3. Lolit, tama naman si Tonton na hindi na kailangan pang bumili ng bagong bahay na utang dahil may bahay naman sila na fully paid na. Yan kasi ang mali ng iba dyan, bili ng bili maski walang cash, utang dito utang doon at pag nawalan ng trabaho, wala ng ipambayad sa mga utang, hindi praktikal, Kaya pag nawalan na ng project, ang daming utang at doon na mag start ang stress hanggang sa magpa booking na. I like Tonton, down to earth, hindi hambog, low key, pinalaki ng maayos ni Lisa Lorena, mabuti na lang at may isang Gutierrez na pinalaki na maayos at hindi tumulad sa iba dyan. Yong mga kaibigan kong nurse dito sa States, BMW ang mga sasakyan, yong mga bahay nila tig 6,000 square feet ang laki, pero may car payment sila at mortgage payment every month, Malaki nga ang sahod namin dito pero nung nag downsize na ang hospital na pinagtrabuan namin, hindi na kami makapag-overtime, so yong overtime na sana ipambayad doon sa BMW at malaking bahay nila, wala na, ang nangyayari, napunta yong bahay nila ulit sa bangko at nag start na naman sila ng maliit na bahay, yong payment nila for how many years sa malaking bahay , na thank you na kasi binawi sa bangko yong bahay nila. Kasi hindi pinag isipan ang pag-uutang. Kaya Lolit, pasalamat ka na ang alaga mo sensible at responsible at marunong sa buhay. Suwerte si Glydel Mercado at napangasawa niya ang mabait na Gutierrez.

  4. Of course LT yata yan.one of the finest actress in showbiz. I admire her a lot. Clean leaving and simple with Good reputation. Thats her beauty secret. Go LT your right dont stress but enjoy life. Wait for your drama series. I love you!

  5. Oo nga, kay Tita Swarding nga ito, i just read it sa title ng article ni Tita Swarding “Jennylyn Mercado at Patric Garcia nagkamabutihan na?” Yong article sa itaas ang laman ng article ni Tita Swarding. Editor baka gusto nyong itama yong trabaho nyo.

  6. Bakit ang article above from OLA CHIKKA NOW NA down to the bottom napasama sa article ni Lolit
    Solis? Parang segment ito ni Tita Swarding ah! Maybe I’m wrong pero yong style ng pagkasulat at ang mga words na ginagamit ay yong from Tita Swarding at di ba si Swarding co-host sa DZRH-TV?
    EDITOR, tama ba ako?

Leave a Reply

Your email address will not be published.