Lorna Tolentino at mga anak, enjoy sa bakasyon sa Lourdes, France

BACK TO Paris na kami galing sa ilang araw na bakasyon namin sa Lourdes. Pero paglabas nito, nakabalik na kami ng bansa.

Nag-enjoy nang husto sina Lorna Tolentino kasama ang dalawa niyang anak na sina Ralph at Renz.

Pagbalik namin ng Paris, nag-host ng dinner sa amin ang Philippine Ambassador to Paris, France at Monaco na si Amb. Cristina Ortega kasama ang chief of staff nitong si Connie Luege na matagal nang kaibigan ni Lorna, dahil schoolmate niya ito noon. Sobrang inasikaso kami Amb. Ortega at napakabait niya sa amin.

Pagkatapos nu’n ay si Tita Babette Aquino na bongga siya sa Paris, ha! Bongga rin ang pag-asikaso sa amin ni Tita Babette, kaya kapag siya naman ang magbakasyon sa atin, dapat maasikaso ko rin siya.

At least nakapagbakasyon kami, at nagbanal-banalan kami sa Lourdes ni Lorna.

Kasama kasi sa bucket list ko na kailangang makaligo ako sa Lourdes. Tatlong beses ko nang napuntahan ang Lourdes, pero ngayon lang ako nakaligo sa bukal nila na pinangyarihan ng milagro kay St. Bernandette.

Pero parang type ko pang bumalik uli lalo na kung kasama ko rin sina Lorna at mga dyunakis niya na nag-enjoy rin nang husto.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Comments are closed.