Lorna Tolentino at Amy Austria, todo ang bakasyon

MATATAPOS NA ANG Minsan Lang Kita Iibigin at mukhang magbabakasyon nang todo-todo itong mga alaga kong sina Lorna Tolentino at Amy Austria.

Si LT, nag-pictorial muna sa Flawless nu’ng nakaraang Sabado bago siya mag-rest dahil kaila-ngan na ang mga bago niyang pictorial. Pero pagkatapos daw ng taping niya sa Minsan, maglalagi raw muna siya sa farm nito sa Cavite. Ang dami na pala niyang tanim doon at gusto niyang doon muna siya para makapag-rest siya nang husto.

Si Amy naman na matagal ding na-hospital ay kailangan din ng pahinga at ayaw na yata ng dyowa niya na pagtrabahuhin.

Pero sabi ni Lorna, itutuloy raw nila ang bakasyon nila sa Boracay na magkakasama silang lahat na magbabarkada pati ang mga anak nila. Kaya matagal-tagal din muna ang bakasyon nila bago sila humarap sa mga bago nilang projects.

Siyempre nababalitaan n’yo naman kung saan sila lilipat, pero pagagalitan na naman ako ni LT kapag nagkuwento ako.

Hintayin ‘nyo na lang ang announcement sa October at bonggang-bongga iyan!

 

SAYANG, HINDI AKO naka-attend sa presscon ng Caparas Studios ni Direk Carlo J. Caparas, kung saan nagsanib sila ng Viva Films para sa limampung nobela ni Direk Carlo na isasapelikula nila o ‘di kaya’y gawing drama series.

Maganda ang line-up ng mga nobela ni Direk Carlo at siyempre excited ako sa Dugong Buhay dahil si Jolo Revilla na ang bida rito.

Kasama pa rin si Sen. Bong Revilla, pero kay Jolo na raw talaga itong pelikula. Nag-usap na yata sina Boss Vic del Rosario at Bong at malamang sa susunod na taon na nila ito sisimulan.

Ganadung-ganado si Donna Villa ngayon sa pagpu-produce at sabi nga niya, every two weeks may pelikula siyang ipalalabas.

Bukod sa Dugong Buhay, balak din nilang gawin ang Bakekang, kung saan magkakaroon daw ng search kung sino ang puwedeng gumanap sa mapanghamong role na ‘yun.

Since nandito na rin lang si Nora Aunor, may mga nagsa-suggest na bakit hindi isali si Guy. Pero depende pa iyan dahil ang dami pang commitments ng Superstar.

Maganda itong gagawin nina Boss Vic at ng Golden Lions dahil magiging active na naman ang movie industry.

Kaya kahit nga si Bong, natutuwa rito at willing siyang ituloy itong Dugong Buhay para tuluy-tuloy ang mga pelikula at maraming taga-industriya ang magkakatrabaho.

Sinabi na rin ni Donna at Direk Carlo na itutuloy pa rin daw nila ang pagsa-sapelikula ng kuwento ng buhay ni Hubert Webb. Medyo pinapalamig lang daw muna nila dahil mainit pa ring pinag-uusapan sa korte.

Kapag maayos na raw, itutuloy nila ito at siyempre kakausapin pa nila si Mr. Lauro Vizconde para fair sa lahat.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Lorna Tolentino at Amy Austria, todo ang bakasyon

  1. For me its sayang kung pumunta sina Lt at AA sa ibang channel, Abs CBn can really gives a good and valuable telenovela sa kanila .Sa ABS baguhan o hindi galing ang mga artista nila sa acting.. sinasalang talaga sa trainings at workshops.

  2. @kahlua of San Fran. pera perahan lang kasi yon lalo na kung ang manager ng isang actress na gusto pera lang ang mundo nila dahil may nahaharbatan sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.