‘Looters’, ‘Wag Kunsintihin

MARIING KINONTRA nina dating Comelec Comm. Gregorio Larrazabal at dating

An Waray party-list Rep. Florencio “Bem” Noel ang opinyon ng ilang abogado sa maluwag na batas sa kaso ng looters sa mga lugar na apektado ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni Larrazabal na lalong lalala ang sitwasyon kung pababayaan ang looters at bibigyan pa ng katwiran ang pagnanakaw ng mga ito.

Nakita umano nila ang aktwal na sitwasyon sa Leyte matapos magtungo doon para magdala ng relief goods kamakailan.

May mga bahay na rin umanong pinapasok ng mga looters, matapos looban ang mga mall, grocery  at mga botika.

Inihayag pa ni Larrazabal na may mga nagsaksakang magnanakaw dahil sa agawan ng maraming perang kanilang nakuha muna sa ATM.

Iginiit pa ng dalawang dating opisyal na dapat paiigtingin ang pagpapatupad ng sistimatikong proseso sa halip na magpalabas ng mga opinyon na magpapalala pa sa sitwasyon sa mga lugar na dinaanan ng kalamidad.

Samantala, kailangan aniyang madala ang tulong sa pinakamabilis na paraan at maibalik ang kaayusan sa lahat ng lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.