Long Weekend Security, Pinatitiyak

PINATITIYAK NG Palasyo sa Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng publiko, kasabay ng mahabang weekend dahil sa nalalapit na paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Day.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abi-gail Valte na inaasahan umanong “hands on” si PNP chief Director Gen. Nicanor Bartolome sa mga paghahanda ng kapulisan para sa nasabing okasyon.

Pinapayuhan din ng opisyal ang publiko na sundin ang mga precautions ng mga kinauukulan para matiyak na maging ligtas at mapayapa ang paggunita sa araw ng mga patay.

Nagtutulungan din u-

mano ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno katulad ng Metropolitan ManilaDevelopment Authority (MMDA), Philippine Coast Guard, Department ofTransportation and Communication, Land Transportation Office at Land Transportation Franchising Regulatory Board, para sa ligtas na paglalakbay ng mga kababayan.

Alinsunod sa Republic Act 9492, deklaradong special non-working ho-

lidays ang All Saints Day, November 1 habang additional special (non-working) day naman ang November 2.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.