Lolong Umawat sa Away ng Kapatid; Kulong sa Pananaksak

NAKATAKDANG SAMPAHAN ng kasong Frustrated Homicide ang isang lolo sa Catanuan, Quezon.

Ito’y matapos masaksak ng salarin na si Artemio Batario, 63, ang 30-anyos na kainumang si Joel Martinez.

Una rito, nag-iinuman umano ang suspek at ang biktima kasama ang kapatid nitong si Randy Martinez nang biglang magkairingan ang magkapatid.

Ngunit nang sawayin ni Batario ang dalawa ay sa kaniya naibaling ni Joel ang galit daan upang ibalibag siya nito sa sulok ng bahay.

Sa galit naman ng salarin  ay kumuha ito ng patalim at sinaksak sa tiyan ang suspek.

Samantala, nagpapaga-ling ang biktima habang ang salarin ay nakakulong na sa  sa himpilan ng Catanuan-PNP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.