Lolong, Posibleng Namatay sa Pneumonia

MAAARING PNEUMO-NIA at cardiac arrest ang ikinamatay ng pinakamalaking nahu-ling buwaya sa mundo na si Lolong.

Sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje na base ito sa paunang report na isinumite ng veterinary expert at biologist na sumuri sa mga tissue ni Lolong.

Ipinaliwanag rin ni Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) director Theresa Mundita Lim na may nakitang mga sugat sa iba’t ibang body organs ng higanteng buwaya.

Samantala, patuloy pa rin naman ang isinasagawang pag-aaral ng mga beterinaryo ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) College of Veterinary Medicine sa tissue samples ni Lolong upang matiyak ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito na inaasahang matatapos sa loob ng dalawang linggo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.