Lolong Pasyente, Nahulog sa 3rd Floor ng Ospital, Tigok

BINAWIAN NA ng buhay ang naka-confine na lolo sa Northern Mindanao Medical Center sa may Cagayan De Oro City matapos itong mahulog sa ika-3 palapag nito.

Nagpapagamot doon ang diabetikong pasyente na si Selito Ramos, 55, residente sa Alubijid, Misamis Oriental nang nahulog ito.

Hindi umano tumalon ang biktima kundi nahulog dahil hindi aniya naisara ang bahagi ng ospital na isinasailalim sa renovation, saad ng kapatid ng biktima na si Fermin Ramos.

Nais niyang papanagutin ang mga traba-hante ng ospital matapos ‘di maglagay nang paalala ukol sa renovation lalo pa’t malabo ang mata ng biktima dahil sa sakit na diabetes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.