Lolong nang-rape ng 4 na bata, naaresto

BALIUAG, BULACAN – MAKARAAN ang halos isang taong pagtatago sa batas sa kaso ng panghahalay sa apat na paslit noong nakalipas na taon, nadakip na ang isang lolo ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rizalino Andaya kay Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Valeriano de Leon, 66-anyos, retiradong emple-yado ng Baliuag Water District, ng Brgy. Sabang, samantalang ang mga biktima naman ay itinago sa mga pangalang Joy, Tina, Beth at Rhea, kapwa nasa edad 9 at 10 na kapit-bahay ng suspek.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9 ng gabi nang madakip ang suspek sa loob ng kanyang tahanan habang masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang pamilya.

Sa panayam ng Bulacan Media Investigative Reporters (BMIRs) nabatid sa pamilya ng mga biktima na si De Leon ang itinuturong nangmolestiya ng pitong beses at gumahasa ng dalawang beses sa mga paslit.

Matatandaang pinagsamantalahan ang mga paslit sa pamamagitang umano ng pagbibigay nito ng pera at candy, kung saan ikinukulong ng suspek ang mga biktima nito, bago pinaghahalikan sa maseselang bahagi ng kanilang katawan bago umano dadaliriin ang kanilang mga ari.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Branch 85 Bulacan Regional Trial Court Judge Ma. Belen Ringpis Liban sa pitong kaso ng Acts of Lasiviousness at dawalang kaso ng Rape.

Samantala detinido ngayon ang suspek sa Baliuag Municipal Jail.       (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.