Lolong nandakot ng dibdib at puwet, kulong

KULUNGAN ANG KINABAGSAKAN ng isang lolo matapos daklutin ang dibdib at puwet ng kapitbahay na dalagita nang magpunta ang huli sa bahay ng una upang kunin ang sirang cellphone sa Malabon City kamakalawa ng tanghali.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to Child Abuse si Erlito Evangelista, 67, ng Cherry Gail St., Hulong Duhat ng lungsod.

Sa reklamo ng biktimang si Bona, (di-tunay na pangalan), 14, ng Malabon City, alas-12:00 ng tanghali, inutusan siya ng kanyang ina na kunin ang nasirang cellphone sa bahay ng suspek.

Ipinagkatiwala umano ng ina ng biktima ang kanyang nasirang cellphone sa suspek upang ipagawa sa kakilala ni Evangelista.

Pagkatok ng biktima sa bahay ng suspek ay biglang hinatak ni Evangelista ang dalagita sa loob sabay lamas sa dibdib at puwet.

Sinabihan pa ng suspek na ibibigay nito ng buo ang cellphone at bibigyan pa ng P1,000 ang dalagita kung magpapatira sa lolo ang biktima.

Nakakuha ng tiyempo na masiko at tadyakan sa paa ng biktima ang suspek bago mabilis na umuwi ng kanilang bahay at nagsumbong sa nanay.

Agad na sinamahan ang dalagita sa presinto at pinadakip si lolo.               (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.