Lolong Gumahasa sa Apo Nang 9 na Taon, Arestado

NAGHIHIMAS NGAYON ng malamig na rehas ang isang 64-anyos na lolo nang irek-lamo ng panggagahasa sa loob ng halos 9 taon ng

sariling apo sa bayan ng Gattaran, Cagayan.

Ayon sa hepe ng PNP Gataran na si Sr. Insp. Wilhemino Saldivar, halos isang dekada na ang nakalipas nang simulang gahasain umano ang 10-anyos na biktima ng kanyang lolo.

Ayon kay Saldivar, saka lamang nagsumbong ang dalaga nang 19-anyos na siya, makaraang magbanta ang suspek na papatayin siya gamit ang pagmamay-ari nitong baril.

Dumulog ang lola ng biktima na kapatid ng suspek at tiyahin makaraang malaman ang ginawang pangmomolestiya.

Nakiusap naman ang kaanak ng biktima at suspek na huwag na lamang pa-ngalanan ang mga ito.

Bukod sa kasong panggagahasa, nahaharap din ang suspek sa kasong illegal possession of firearm dahil sa pag-iingat ng hindi lisensiyadong baril.  (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.