Lolo, Tustado sa Sunog

PATAY ANG isang lolo nang masunog ang pamamahay nito sa Purok 5, Brgy San Pedro sa bayan ng Initao, Misamis Oriental.

Kinilala ang nasabing  biktima na si Gideon Mara-on, 65, na residente sa naturang bayan.

Sinabi ni S/Insp Mark Anthony Cagalitan ng Initao Police Station na totally burn ang sinapit sa bahay ng biktima dahil gawa lamang ito ng light materials.

Subalit sinabi nito na magsasagawa pa sila ng malalimang imbestigasyon dahil may nakita umano silang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Mayroon umanong indikasyon na itinali ang biktima dahilan hindi ito nakalabas ng bahay habang nasusunog na ang naturang bahay.

Nadiskubre rin na nag-iisa na lamang ang biktima sa kanyang tinitirahan sapagkat ang pamilya umano ay nakabase na sa bansang Amerika.

Kaugnay nito, isasagawa ang awtopsiya sa bangkay ng biktima upang mabigyang-linaw ang pagkamatay nito.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog lalo’t nakaugalian na ng biktima na magluto ng makakain sa hating-gabi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.